Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Bautista kinasuhan si misis ng robbery, extortion, coercion
Bautista kinasuhan si misis ng robbery, extortion, coercion

Bautista kinasuhan si misis ng robbery, extortion, coercion

NAGSAMPA ng kasong kriminal si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa Taguig City Prosecutor’s Office laban sa kanyang misis na si Patricia, na nagsiwalat sa sinasabing P1 bilyon tagong-yaman ng nabanggit na opisyal.

Kinompirma ni Bautista ang paghahain niya ng kasong qualified theft, extortion, robbery at grave coercion sa Taguig City Prosecutor’s Office, laban sa misis niyang si Patricia.

READ MORE:   ‘Jumper gang’ member utas sa truck driver

Hindi idinetalye ni Bautista ang nakasaad sa kanyang reklamo laban sa kanyang misis at sinabi lamang na nagsampa siya ng kaso nitong Martes.

READ MORE:  Lim naghain ng suspensiyon, DQ vs Erap

Ayon sa abogado ni Patricia, plano rin nilang magsampa ng kaso laban kay Bautista at sa mga kasabwat ng opisyal.

Nag-ugat ang reklamo makaraan akusahan si Bautista ng kanyang misis ng pagkakaroon ng tagong-yaman.

READ MORE:  US citizen timbog sa P16-M Cocaine sa Clark Airport

Pinabulaanan ni Bautista ang akusasyon ng kanyang misis at sinabing handa siyang magbitiw sa puwesto kung ang kanyang personal na buhay na may kaugnayan sa sigalot nilang mag-asawa, ay makaapekto sa pagiging chairman niya sa Comelec. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top