Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagpapa-sexy ni Phoebe Walker, suportado ng non-showbiz BF
Pagpapa-sexy ni Phoebe Walker, suportado ng non-showbiz BF

Pagpapa-sexy ni Phoebe Walker, suportado ng non-showbiz BF

SUPORTADO si Phoebe Walker ng kanyang non-showbiz sa ginagawang pagpapa-sexy sa kanyang mga pelikula katulad sa Double Barrel: Sige Iputok Mo! na mapapanood ngayong araw ng Viva Films.

Naked sila ni AJ Muhlach sa kanilang love scene at tanging plaster lang ang tumatakip sa kanilang hinaharap.

READ MORE:  Aktor, napilitang pakasalan ang GF dahil sa kalikutan

Ani Phoebe, masuwerte siya sa kanyang non-showbiz boyfriend dahil bukod sa hindi ito seloso, alam nito na trabaho lang ang kanyang ginagawa.



‘Yun nga lang ang kagandahan sa hindi artista ang boyfriend dahil mas less intriga, ‘di tulad na kapag artista ang BF ay nawawalan ng privacy at kung minsan ay nagkakaroon ng competition lalo na kapag mas maraming trabaho ang isa at bokya naman ang isa.

READ MORE:  BF ni Maja, join sa world tour concert

Maipagmamalaki nga ni Phoebe ang movie nila ni AJ dahil sa magandang pagkakagawa nito ni Direk Toto Natividad. At proud nga nitong sinabi na siya lahat ang gumawa ng mahihirap na stunts kaya naman gusto na nitong maging action star lalo na’t wala pang action star na babae ngayon sa showbiz.

READ MORE:  Panganganak at pagpapabinyag, kinompirma ng abogado nina Ellen at John Lloyd

MATABIL – John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved