Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Utos ni Aguirre sa NBI: Tagong yaman ni Bautista imbestigahan
Utos ni Aguirre sa NBI: Tagong yaman ni Bautista imbestigahan

Utos ni Aguirre sa NBI: Tagong yaman ni Bautista imbestigahan

INIUTOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI), na busisiin ang bintang ng misis ni Commission on Elections (Comelec) chief Andres Bautista na siya ay may itinatagong halos P1-bilyon yaman.

Nitong Lunes, inilabas ni Aguirre ang Department Order 517, nag-uutos sa NBI na imbestigahan at magbuo ng kaso base sa isinumiteng affidavit ni Patricia Paz Cruz Bautista sa NBI, nag-aakusa sa Comelec chief nang bigong paglalahad ng “pertinent information” sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Aalamin din sa nasabing imbestigasyon kung lumabag si Bautista sa Anti-Money Laundering Act at iba pang kaugnay na mga batas.

READ MORE:  Pulmano absuwelto sa Sandiganbayan
READ MORE:  Magna Carta for Barangay Captains isinulong

Nagpahayag ng kahandaan si Bautista sa pagharap sa nasabing imbestigasyon.

READ MORE:  Water level ng 8 dams sa Luzon bumagsak na

“We will welcome any investigation,” aniya sa press conference.

Ayon sa asawa ni Bautista, ayaw niyang isipin ng mga tao na kasabwat siya posibleng illegal activities ng kanyang mister habang nakaupo sa Comelec.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved