Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lalaking malapit sa puso ni Ara, ipinasok sa rehab
Lalaking malapit sa puso ni Ara, ipinasok sa rehab

Lalaking malapit sa puso ni Ara, ipinasok sa rehab

MAY natapos gawing indie film si Ara Mina, ang Adik, na isa siya sa mga bida rito. Dahil tungkol sa drug addiction ang istorya ng latest movie ng aktres, kaya naman nabanggit niya sa may isang lalaking malapit sa kanyang puso na naging adik, na ipinasok niya sa rehabilitation center.

Ayaw na nga lang banggitin ni Ara ang pangalan nito. Gusto kasi niyang bigyan ito ng privacy. Hindi klaro kay Ara kung paano nalulong sa droga ang lalaking close sa kanya.

“Hindi ko alam kung five years or six or years kasi hindi naman kami nagkikita lagi. Pero kapag nagkikita kami nano-notice ko, kasi ako ‘yung nilalapitan, eh. Kesyo may problema sa pamilya, kailangan ng ganyan, so ako ‘yung tumutulong. Hindi ko alam kung may problem siya, I guess nabarkada siya sa walang kuwentang tao. Dumating na sa point na pati yata bubong mo kukunin niya para ibenta,” kuwento ni Ara.

Walang kaalam-alam si Ara na ang hinihingi nitong pondo para makapagnegosyo ay hindi roon mapupunta.

“Idinadahilan ang business, hindi ko na maalala sa sobrang dami ng sinasabi niyang negosyo.”

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved