Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jake Cuenca, binigyan ng bagong bihis si Lizardo
Jake Cuenca, binigyan ng bagong bihis si Lizardo

Jake Cuenca, binigyan ng bagong bihis si Lizardo

MARAMI ang namangha sa bagong mukha at hitsura ni Lizardo, ang kalabang mortal ni Flavio sa Ang Panday, entry ng CCM Creative Productions Inc., sa 2017 Metro Manila Film Festival at ididirehe ni Coco Martin.

Gagampanan ni Jake Cuenca ang karakter ni Lizardo sa Ang Panday. At sa retratong ibinahagi sa amin ni Eric John Salut ng Dreamscape Entertainment, natuwa kami sa bagong bihis ni Lizardo. Modern Lizardo kung aming tawagin.

READ MORE:  Fans ng JaDine sawa na? Ratings ng Till I Met You, sumadsad

Ayon kay EJ, nagsimula nang mag-shoot si Jake noong Biyernes.

Maging sa Instagram account ni Jake, ibinahagi rin niya ang pagsisimula ng kanyang pagsabak sa Ang Panday at ang bagong hitsura ni Lizardo.



Sa caption, inilagay ni Jake na, @juancarloscuenca, “Pure evil… First day of filming for #angpanday . My army of darkness and I say hello. #lizardo.”

READ MORE:  2 sikat na aktres, mainit na sa mata ng pulisya (Posibleng isunod kina Mark, Krista at Sabrina)

Ani Jake, handa na siyang maka-showdown sa matinding bakbakan ang bida ng pelikula na si Coco na tiyak pahihirapan ng kanyang karakter.

Bago ang shooting, nagpasalamat si Jake na napasama siya sa Ang Panday. Aniya, hindi may magandang resulta ang hindi niya pagpapagupit ng buhok.

Sa isang panayam sa kanya ng abscbn.news.com, pinasalamatan din niya ang pambihirang pagkakataon na makakatrabaho ang iba pang malalaking artista.

READ MORE:  Vilma, wala pa ring binatbat kay Nora kung achievements ang pag-uusapan

Si Lizardo ay unang ginampanan ng beteranong kontrabidang si Max Alvarado sa orihinal na pelikula ni Fernando Poe Jr. at pagkaraan ay ginamapnan naman ni Phillip Salvador (2009) sa pelikula ni Ramon ‘Bong’ Revilla Jr..

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved