Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 11-anyos special child nalunod sa estero
11-anyos special child nalunod sa estero

11-anyos special child nalunod sa estero

NALUNOD ang isang 11-anyos batang lalaki na sinasabing ‘special child’ nang mahulog sa isang estero habang nilalaro ang mga alagang manok ng kanilang kapitbahay sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Wala nang buhay nang maiahon ang biktimang si Rvin Dequiro, residente sa 1268 Interior 5, Burgos Street, Paco.

READ MORE:  3 tulak ng ecstacy, fly high arestado sa casino

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide section, naganap ang insidente sa pagitan ng 2:00 am at 2:20 am sa Estero de Concordia, sa Burgos street.

Nauna rito, sinabi ng mga kapitbahay na nakita nilang pabalik-balik na tumatakbo sa lugar ang biktima malapit sa estero ngunit nakita ng kanyang ama kaya pinauwi sa kanilang bahay.

READ MORE:  Gov’t Makupad (Maanomalyang kontrata sa LRT 2 binatikos)

Gayonman, lingid sa kaalaman ng mga magulang, muling nakalabas ng bahay ang bata at huling nakitang buhay ng isa pang kapitbahay habang nilalaro at hinihimas ang kanilang mga alagang manok malapit sa estero.

READ MORE:  Arroyo ‘di tatantanan ng Ombudsman

Hinanap ng mga magulang sa naturang lugar ang bata ngunit laking pagkabigla nang makitang palutang-lutang ang biktima sa estero.

Isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved