Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Isang mapayapang paglalakbay sa dalawang Roy na kapwa beteranong mamamahayag
Isang mapayapang paglalakbay sa dalawang Roy na kapwa beteranong mamamahayag

Isang mapayapang paglalakbay sa dalawang Roy na kapwa beteranong mamamahayag

MAGKASUNOD na namayapa ang dalawang beteranong mamamahayag na sina Roy Acosta at Roy Sinfuego.

Nitong Huwebes si Manong Roy A., at nitong Sabado ng gabi si Kuyang Roy Sinfuego.

Si Manong Roy ay nakasama ng inyong lingkod sa National Press Club (NPC) noong tayo ay unopposed na inihalal ng ating mga katoto.

READ MORE:  Blue Meadows Low Cost Housing sa Caloocan City ‘tinatarahan’ Sa Building Permit? (Sa ilalim ng High Density Housing – Social Housing Finance Corp. (HDH-SHFC))

Si Kuyang Roy naman ay halos ilang dekada na nating kakilala at madalas niya tayong iniimbitahan sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico tuwing Miyerkoles.

At gaya nang dati paulit-ulit na ibabahagi ni Kuyang Roy ang kanyang mga karanasan sa coverage.

READ MORE:  Balahura ba talaga si Vice Ganda?

Pero sabi nga, laging may katapusan ang istorya, at kapwa itinipa nina Manong Roy at Kuya Roy ang “30” sa kanilang buhay.

Kung saan man sila dadalhin ng kanilang huling paglalakbay, inuusal ko sa aking dalangin na ito ay walang hanggang kapayapaan pabalik sa Dakilang Manlilika.

READ MORE:  1602 live na live sa Pasay City! (Attention: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo) 1602 LIVE NA LIVE SA PASAY CITY! (ATTENTION: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo)

So long Manong Roy and Kuyang Roy, huwag kayong magtaguan o mang-scoop ng istorya diyan sa pupuntahan ninyo ha!

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved