Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Malu Sevilla sobrang na-challenge sa FPJAP, ‘ di ko pa nama-master ang telebisyon
Direk Malu Sevilla sobrang na-challenge sa FPJAP, ‘ di ko pa nama-master ang  telebisyon

Direk Malu Sevilla sobrang na-challenge sa FPJAP, ‘ di ko pa nama-master ang telebisyon

“I think I feel like a woman!” ito ang natatawang sabi ni Direk Malu Sevilla sa ginanap na 100 weeks celebration ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Huwebes na ginanap sa Le Reve Venue and Events Place.

Tinanong kasi ang isa sa apat na direktor ng nangungunang programa ni Coco Martin sa primetime kung ano ang pakiramdam na halos lahat ng artistang idiniderehe ni Malu ay mga lalaki na malalakas pa ang personalidad.

At nang makaharap namin ng solo si direk Malu ay inamin niyang malaki ang naitutulong ng mga artistang lalaki sa kanya.

“They help me, they help, the boys? Kasi I don’t know everything being a man. Sometimes they ask me questions, ang saya ng boys kasi very gentleman sila kaya feel ko ‘yun,” paliwanag ng direktor ng programa.

Tinanong namin kung ano ang pakiramdam na isa siya sa direktor ng number one primetime program ng ABS-CBN sa loob ng dalawang taon and still counting.

“Actually, challenging, hindi pa rin nawawala ‘yung challenge sa akin kasi iba-ibang kuwento naman ‘yan, kita mo, iba-iba nangyayari, so ‘yung mga ganoon nakaka-challenge talaga, hindi ko pa nama-master ang television, Reggs,” ito ang bungad paliwanag sa amin ni direk Malu.

RATINGS NG SHOW
MAHALAGA

Sa tanong kung anong mas gusto nila, ang mataas ang ratings o maraming ads o sponsors?

“I think goes hand in hand, kasi kapag mataas ang ratings mo, roon naman nagbi-base na papasukin ka ng ads, ‘di ba? So they go together, pero siyempre kaming nasa TV prod, ratings kasi it shows na maganda ‘yung produkto namin, ‘yung pinaghirapan namin, maraming nagkakagusto. Eh, ‘yung TV ads naman, sa management naman mapupunta ‘yun, kita nila ‘yun,” katwiran ng direktora sa amin.

MATINDING ACTING
NI ALJUR ‘DI KAILANGAN

Sa unit ni direk Malu unang lumabas si Aljur Abrenica, “ako ang nag-first shoot sa kanya. May template na kasi siya,” sabi sa amin.

Ano naman ang masasabi nito sa bagong lipat sa Kapamilya Network?

“Okay, okay, may willingness 200%,” napangiting sagot ni direk Malu.

Marunong ng umarte si Aljur? ”Well, hindi naman kailangan ng matinding acting pa, kasi aksiyon ito, eh, so walang malalim na drama.”

Ikinompara pa namin si Aljur kay Ejay Falcon na unang naidirehe sa seryeng Katorse na talagang katakot-takot na pagtuturo ang ginawa ni direk Malu para maka-arte.

“Magkaiba kasi sila (Ejay at Aljur). Drama kasi ‘yun (Katorse), kay Ejay, itong kay Aljur, it’s an action drama, so far, acting requirement dito for him (Aljur) is not a highly dramatic. So magkaiba talaga,” paliwanag mabuti ni direk Malu.

Anak si Aljur ng corrupt businessman na may-ari ng isang mining company na nag-o-operate ng ilegal at may koneksiyon sa mga rebelde na magkakaroon ng koneksyon kay Cardo (Coco).

Tinanong namin kung magtatagal si Aljur o guest sa programa, ”I think he’s a special guest, hindi ko lang alam kung gaano katagal ang run niyon,” say ni direk Malu.

CONCEPT,
NAGKAKATAONG
NANGYAYARI

Lima pala ang direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano at nag-leave ang isa dahil kinuhang assistant director ni Coco sa pelikulang Ang Panday.

Tinanong namin kung sinasadya ba nilang itapat sa kasalukuyang nangyayaring gulo sa bayan ang mga kuwentong napapanood sa Ang Probinsyano.

“Actually hindi, kasi bago pa nangyari itong Marawi siege, nakaplano na kami ahead of time, sa maniwala kayo o hindi, mga three months na itong planado, ano ‘yan may mga concept na ‘yan ganito o ganyan tapos at saka lang ipupulido habang malapit nang i-shoot ang certain episode.

“Kaya napa-‘Yay’ kami noong nangyari itong Marawi kasi nakaplano na, eh, wala siyempre iisipin ng iba ginaya. Ang totoo talagang nagkataon, ‘yung 44 SAF fallen, ‘yun ang natapat,” pagtatapat sa amin ng direktor.

COCO, NEVER NA-LATE
SA FPJAP KAHIT
MAY ANG PANDAY

At dito puring-puri ni direk Malu si Coco dahil maski na tumatawid siya sa Ang Pandayay never na na-late sa call time.

“Bilib ako riyan kay Kuya (tawag nila kay Coco), grabe ang energy, sabi ko nga magpahinga rin siya kasi siyempre, nagkaka-edad na rin tayo, eh, marami pa siyang gustong mangyari.

“Imagine, from Monday to Thursday, tapings ng ‘Ang Probinsyano’, Friday to Sunday shooting niya ng ‘Ang Panday’, so ano pa mangyayari?” kuwento sa amin.

Natutulog pa ba si Coco? ”In between, kita mo, hayan, halatang pagod na (tumingin kami kay Coco at patang-pata na, pero nakangiti pa rin). Maaga pa shooting niyan bukas (Sabado). Ewan ko rito kay kuya,” napapailing na sabi ni direk Malu.

MAY ORAS PA BA
SA LOVELIFE SI COCO?

So, paano ang lovelife ni Coco? ”Paano nga ba? Mayroon ba?” balik-tanong sa amin.

‘Di ba si Julia Montes, hirit namin kay direk Malu, ”talaga? Hindi ko alam, paano magkikita? Walang time?” mabilis ding katwiran sa amin.

Kapag gusto, may paraan, kapag ayaw maraming dahilan, ‘di ba Ateng Maricris?

FPJ’S ANG PROBINSYANO,
HANGGANG 2018 PA; YASSI,
MAGAANG KATRABAHO

As of this writing ay hanggang Enero 2018 ang alam ni direk Malu ang airing time ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Hindi pa natin alam, alam mo naman, ‘di ba? Paano mo aalisin ang mataas na ratings?” sabi sa amin.

Sa tanong ulit namin na kaya nagtagal si Yassi Pressman bilang leading lady ni Coco ay dahil hindi nito kayang tumayong mag-isa o magdala ng show hindi katulad nina Maja Salvador na may Wildflower at si Bela Padillana kaliwa’t kanan ang pelikula.

“Really? Well, I can’t argue with 23 endorsements, ha, ha, ha. ‘Yun lang ang masasabi ko,” tumawang katwiran sa amin.

Dagdag pa, ”I like Yassi, napakagaang katrabaho, siya ang joy sa taping, masayahing tao, walang isyu, walang problema, masarap ka-trabaho.”

In fairness, maayos ngang katrabaho si Yassi kaya siguro gusto siya ni Coco, walang isyu sa katawan.

FACT SHEETReggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved