Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 kelot arestado, shabu inihahalo sa padalang Bulacan delicacies (OFW muntik maging ‘drug mule’)
2 kelot arestado, shabu inihahalo sa padalang Bulacan delicacies (OFW muntik maging ‘drug mule’)

2 kelot arestado, shabu inihahalo sa padalang Bulacan delicacies (OFW muntik maging ‘drug mule’)

ISANG overseas Filipino worker (OFW) patu-ngong Middle East ang muntik nang maging ‘drug mule’ ng isang sindikato ng ilegal droga sa Bulacan.

Sa ulat, dalawang lalaking sinasabing konektado sa sindikato sa droga ang inaresto ng mga pulis sa isang entrapment operation sa bayan ng Guiguinto nang ireklamo ng isang OFW na nagpadala ng Bulacan delicacies na may lamang shabu.

READ MORE:  Paghingi ng tulong ni Aguirre sa Interpol kinondena ni Trillanes (Para maaresto si Lascañas)

Kinilala ang mga suspek na sina Alex Bamba at isang Patricio, kapwa residente sa Moncada, Tarlac.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos police, ang dalawa ay miyembro ng malaking sindikato ng droga na nakabase sa Tarlac.

Isinagawa ang entrapment operation laban sa dalawa nang magsumbong ang isang OFW sa Malolos police kamakailan.

READ MORE:  Jason Aquino wala na sa NFA (Palasyo sinopla si Piñol)

Ito ay nang madiskobre ng OFW na ang ipinadadala palang mga sitsirya ng dalawang suspek sa kanya ay may laman na ilegal na droga.

READ MORE:  NP magkakawatak-watak sa 2016 — Trillanes (3 miyembro tatakbong bise presidente)

Todo-tanggi ang dalawa sa mga paratang sa kanila nang arestohin ng mga pulis at iginiit na hindi nila alam na may lamang shabu ang mga sitsirya.

(MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved