Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aljur, dapat pagbutihin ang pag-arte
Aljur, dapat pagbutihin ang pag-arte

Aljur, dapat pagbutihin ang pag-arte

NOONG Lunes, July 31, opisyal na sinalubong si Aljur Abrenica ng ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes, Laurenti Dyogi, at Deo Endrinal.

Ayon sa post ng ABS-CBN publicist na si Eric John Salut, magkakaroon na ng show si Aljur sa Kapamilya Network at nailatag na rin ang iba pang programa para sa aktor. Pero, walang pinirmahang exclusive contract sa ABS-CBN ang former Kapuso talent.

Ngayong nasa bakuran na ng Dos si Aljur, na mapapanood na sa FPJ’s Ang Probinsyano, dapat ay i-improve na niya na ang akting niya.

Pawang magagaling kasi ang mga actor na nasa Dos. Kailangan niyang makipagsabayan sa mga tulad nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, at John Lloyd Cruz or else masasabihan lang siya ng kanyang detractor na hindi na dapat siya kinuha pa ng Dos.

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved