Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Soundtrack album ng The Better Half, nakaka-LSS
Soundtrack album ng The Better Half, nakaka-LSS

Soundtrack album ng The Better Half, nakaka-LSS

MAGANDA ang soundtrack album ng seryeng The Better Half (tulad din ng album ng FPJ’s Ang Probinsyano) dahil magaganda at nakaka- LSS (last song syndrome) tulad ng Marcos’ Theme: Saglit at Malaya na parehong kanta ni Moira Dela Torre. Ang Hanggang nina Morissette at Erik Santos; Anong Nangyari sa Ating Dalawa ni Aiza Seguerra; at Bawat Daan ni Ebe Dancel.

Napakikinggan na pala ang playlist sa starmusicph.com, itunes.ph, at Spotify.

READ MORE:  Xian, maraming pasabog sa A Date With Xian

Sa mga gustong makita ng personal ang mga bida ng seryeng The Better Half na sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, JC de Vera, at Denise Laurel, pumunta sa Robinson’s Antipolo Atrium sa Sabado (August 5), 5:00 p.m. para sa mall show cum fans day.

Anyway, base sa tumatakbong kuwento ngayon ng The Better Half, alam na ni Camille (Shaina) na may kinalaman si Bianca (Denise) sa pagkamatay ni Sheryl (Regine Angeles) matapos mabasa ang sulat ni Jonas (Gerald Madrid).

READ MORE:  Derek, naudlot ang panliligaw kay Ynna? (Relasyon kay Cristine, ‘di raw magtatagal)

Binuksan na ulit ang kaso laban kay Bianca (Denise) at maghahanap sila ng mga testigo para madiin ito at isang tao ang magpapatunay nito, si Ferdie.

Magtutulungan namang umalis si Bianca (Denise) ng bansa at ama nitong si Alfredo (Bart Guingona) at matutunugan ito nina Camille (Shaina), Rafael (JC), at Marco (Carlo) ang kanilang plano kaya susundan nila ang dalawa.

READ MORE:  Aktres, nakapagpatayo ng P45-M halaga ng bahay

Si Alfredo (Bart) sa kagustuhang masagip ang anak ay makikipagbuno sa mga police at kalauna’y mababaril. Hindi matatanggap ni Bianca (Denise) ang nangyari sa ama kaya ipinangakong maghihiganti kay Camille (Shaina).

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved