Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 6 suspek utas sa parak (Sa Maynila)

6 suspek utas sa parak (Sa Maynila)

PATAY sa mga operatiba ni MPD PS3 Drug Enforcement Unit (DEU) Chief Insp. Leandro Gutierrez ang dalawang drug suspect na sina Raymart Mendoza, 20, residente sa Tambunting St., at Manuel Aromina, 51, Sulu St., habang arestado ang live-in partner ng huli na si Teresita Buenviase, 45, sa ikinasang buy-bust operation sa P. Guevarra St., pawang sa Sta. Cruz, Maynila.
(BRIAN GEM BILASANO)

ANIM hinihinalang drug suspect ang namatay nang pumalag sa magkakasunod na buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod, kahapon.

READ MORE:  5 tulak utas sa drug bust sa Navotas

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, unang ikinasa ng mga operatiba ng MPD-Station 2 ang buy-bust operation dakong 12:48 am sa Moriones St., Tondo, Maynila, kahapon.

READ MORE:  Baril, granada, patalim, nakompiska sa Bilibid

Ayon kay MPD Station 2 commander, Supt. Santiago Pascual lll, napatay sa nasabing operasyon si Frankie Neri, tinatayang 30-35 anyos, residente sa Building A, Sambahayanan, Kagiti-ngan St., Tondo.

READ MORE:  Problema mula sikmura hanggang ‘puson’ ng sundalo sagot ni Digong (One call away sa calling card)

Kasunod nito, na-patay rin ng mga tauhan ng MPD PS2 si Rolando Morales, 43; kapatid ni-yang si Restituto, 35, at si Marvin Varona, 25, sa buy-bust operation dakong 1:30 am kahapon

Samantala, pasado 12:00 ng tanghali kahapon, ikinasa ang buy-bust operation ng mga tauhan ni MPD-Police Station 3 commander, Supt. Arnold Tom Ibay, sa isang eskinita sa P. Guevarra St., Sta. Cruz, Maynila.

Napatay sa nasabing operasyon ng mga operatiba ni MPD PS3 DEU C/Insp. Leandro Gutierrez, ang dalawang suspek na sina Raymart Mendoza, 20, at Manuel Aromina, 51-anyos.

Arestado sa nasabing operasyon ang kinakasama ni Aromina na si Teresita Buenviase, 45-anyos. (BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved