Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 bus terminal ipinasara ng MMDA
2 bus terminal ipinasara ng MMDA

2 bus terminal ipinasara ng MMDA

IPINASARA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang bus terminal sa EDSA, Pasay City at limang provincial buses ang ini-impound kahapon.

Sa pamumuno ni MMDA Chairman Danilo Lim, sa tulong ng mga miyembro ng Pasay City’s Business Permits and Licensing Office, isinara ang terminal ng Bragais at Pamar, gayondin ang terminal ng Saint Jude at San Rafael.

READ MORE:  Gov’t officials, workers ‘wag balat-sibuyas — Palasyo (Gawing ehemplo si Digong)

Nabatid na walang business permit ang terminal at nagbabahagian lamang ng garahe, na isa aniyang paglabag sa standard policy na ipinatutupad ng pamahalaan.

“Prior to closure, we have given them sufficient time to comply with the regulations but to no avail,” ayon kay MMDA Chief Lim.

Kinompirma ni Pasay City City administrator Dennis Acorda, na paso na ang permit ng nabanggit na mga terminal.

READ MORE:  SAP Bong Go kabalikat ng OFWs

Sa isinagawang operasyon, natuklasan ni Lim, na ang ilang provincial buses ay nagbababa at nagsasakay lamang ng pasahero sa Southwest Integrated Provincial Terminal (SWIPT) sa HK Sun Plaza, Roxas Boulevard, Pasay City.

Habang ang Don Aldrin buses ay gumagarahe sa terminal ng Smart Bus sa EDSA, Pasay City.

READ MORE:  2 bangkay nahukay sa bahay ng tulak

“A dialogue was held last month where bus companies agreed that they would utilize the SWIPT starting August 1,” pahayag ni Lim.

Inatasan ni Lim ang kanyang mga tauhan, na i-impound ang limang bus ng Don Aldrin Transport na bumibiyahe ng Cavite dahil “out of line.” (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved