Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bolivian arestado sa cocaine (Sa NAIA)

Bolivian arestado sa cocaine (Sa NAIA)

NAHULI ng Customs NAIA si Maria Bazan, isang Bolivian drug courier na nagtangkang magpuslit ng liquid cocaine na itinago sa kanyang winter jacket. (JSY)

ARESTADO ang isang babaeng Bolivian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, makaraan makompiskahan ng illegal drugs nitong Lunes ng gabi.

READ MORE:  Tropical depression Inday lumakas

Natuklasan sa suspek ang tangka niyang ipuslit na liquid cocaine na nakatago sa dala niyang apat jackets.

Ayon sa ulat, ang suspek na si Maria Hinojosa Bazan ay inaresto dakong 7:00 pm.

Napag-alaman, ang dalang jackets ng suspek ay custom-made upang maitago ang kontrabando.

Sinabi ni Jojo Bautista, Philippine Drug Enforcement Agency deputy task commander, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Interpol na may illegal drugs na darating sa Manila.

Si Bazan, mula Sao Paolo, Brazil ay nagtungo sa Bangkok bago sumakay sa connecting flight pa-Maynila.

READ MORE:  13 katao todas sa apoy (Sa Bulacan: eroplano bumagsak sa bahay; Sa Maynila: Waterfront Manila Pavilion Hotel nasunog)

Nagsagawa ng dalawang field tests sa NAIA ang PDEA personnel at nakompirmang ang droga ay cocaine.

READ MORE:  Motoristang gagamit ng ASEAN lanes, aarestohin

Sinabi ni Bazan, na-kiusap lamang sa kanya ang boyfriend ng kanyang kaibigan na i-deli-ver ang droga sa Filipinas kapalit ng libreng operasyon sa isa niyang kaanak.

Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa NAIA Terminal 3.

Ang cocaine ay dinala sa laboratoryo ng PDEA para sa iba pang pagsusuri, habang inihahanda ng mga opisyal ang kaukulang kasong maaaring isampa laban sa suspek. (JSY)

COMMENTS

About JSY

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved