Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Magdyowang ex-real estate agents tiklo sa swindling (Shabu nasamsam sa kotse)
Magdyowang ex-real estate agents tiklo sa swindling (Shabu nasamsam sa kotse)

Magdyowang ex-real estate agents tiklo sa swindling (Shabu nasamsam sa kotse)

SWAK sa kulungan ang isang lalaki at kanyang live-in partner na kapwa suspek sa swindling, sa ikinasang entrapment o-peration ng mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Caloocan police chief, Senior Supt. Chito Bersaluna ang mga suspek na sina Arvin Nepomuceno, 28, ng 123 Dao St., Marikina Heights, Marikina City, at Laila Beldua, 37, ng 95-B Gabronino St., Gen. Mascardo, Bagong Barrio, Caloocan City, inaresto dakong 3:00 pm sa Monserrat St., Morning Breeze, Brgy. 83, Bagong Barrio, ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 1, sa entrapment operation.

Ayon kay PCP-1 commander, Chief Insp. Avelino Protacio II, ina-resto ang mga suspek bunsod ng reklamo ng negosyanteng si Criselda Madrid, 32, taga-Gen. Tirona St., Bagong Barrio.


Ayon sa biktima, nagbigay siya ng P125,000 para sa housing loan sa remittances sa World Housing Developer Inc.

Ngunit nadiskobre niyang ang mga suspek na kapwa real estate marketing agents, ay matagal nang hindi konektado sa nasabing kompanya.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Narekober ng mga pulis sa loob ng gray To-yota Sedan ng mga suspek ang hindi pa matukoy na dami ng shabu at drug paraphernalia.

Samantala, sinabi ni Chief Insp. Protacio, ang cellphone ni Nepomuceno ay may mga mensaheng nagpapahiwatig ng mga transaksiyon sa ilegal na droga.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved