Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Yap, tumawid sa 10k puntos
Yap, tumawid sa 10k puntos

Yap, tumawid sa 10k puntos

SA kabila ng pagpapalit ng uniporme, parehong ‘Big Game’ James Yap pa rin ang namayani sa pagtawid nito sa 10,000 puntos para sa panibagong kasaysayang naiukit sa 13 taon sa PBA.

Kumana si Yap ng 5 puntos upang makaakyat sa prestihiyosong 10,000 point club ng PBA. Ang 35-anyos na si Yap pa lamang ang ika-14 na Pinoy at ika-15 sa kabuuan na nakalikom ng naturang puntos.

Kailangan ng 3 puntos bago ang laro, nagsalpak muna si Yap ng 2 puntos sa 1st half bago ibinuslo ang makasaysayang tres sa 49 segundo ng ikatlong kanto na naghahabol ang Rain or Shine, 64-61 para sa kanyang ika-10,002 puntos sa makulay na karera.

Si Yap na ang numero unong iskorer sa lahat ng aktibong manlalaro ng PBA at siyang unang nakatawid sa naturang kasaysayan simula noong 2001 nang magawa rin ito ni Jerry Codinera bago magretiro.

Nauwi sa wala ang makasaysayang laro ni Yap na nagtapos sa 7 puntos nang matalo ang Rain or Shine sa Meralco, 89-73.

Nito lamang season ay nalipat si Yap sa Rain or Shine mula sa Star Hotshots na ginugol niya ang karamihan sa kanyang karera, at doon din nakamal ang karamihan sa kanyang puntos.

(JBU)

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved