Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 dayuhan tiklo sa ATM skimming (Sa Pampanga)

3 dayuhan tiklo sa ATM skimming (Sa Pampanga)


NAGTAKIP ng kanilang mga mukha sina Radu Minodor Sandor, 43, Nicaraguan; Marcu Bogdan, 26, Italian, at Petro Iouan Uveges, 44, Romanian, hinihinalang mga miyembro ng ATM skimming syndicate, inaresto ng mga tauhan ni Supt. Roland Agohob, station commander ng San Fernando PNP. Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang P339,362.65 cash na kanilang na-withdraw mula sa Bank of the Philippine Islands (BPI) gamit ang 152 cloned ATM cards. (RAUL SUSCANO)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang tatlong dayuhan na hinihinalang mga miyembro ng international ATM skimming syndicate, habang nagwi-withdraw ng pera sa BPI ATM machine gamit ang ATM cloning device sa City of San Fernando, sa nabanggit na lalawigan, dakong 10:35 pm kamakalawa.

READ MORE:  Iskuwater dumami sa endo
READ MORE:  Kelot binoga sa harap ng 16-anyos nobya

Ayon kay PRO3 director, C/Supt. Aaron Aquino, itinawag ng BPI employee ang insidente kaya agad nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Radu Minodor Sandor, 43, Nicaraguan; Marcu Bogdan, 26, Italian, at Petro Iouan Uveges, 44, Romanian, may misis na Filipina na si Michelle Trajano, at gumagamit ng Hungarian passport.

READ MORE:  Tagayan niratrat 3 patay, 3 kritikal

Nakompiska mula sa mga suspek ang P339,362.65 cash na kanilang na-withdraw mula sa BPI ATM machine, gamit ang 152 cloned ATM cards, at puting Toyota Wigo (VQ 8261).

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng San Fernando PNP. (RAUL SUSCANO/LEONY AREVALO)


COMMENTS

About Leony Arevalo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved