Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paulo, no show sa 7th birthday ng anak
Paulo, no show sa 7th birthday ng anak

Paulo, no show sa 7th birthday ng anak

NOONG Sabado ay ipinagdiwang ng anak nina LJ Reyes at Paulo Avelino na si Aki ang ika-7 kaarawan nito na isang Batman inspired party dahil paborito ng bagets si Batman.

Ang party ay ginanap sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis, Quezon City. Present sa okasyon ang mga miyembro ng pamilya ni LJ, mga kaibigan, at ang mga kaklase ni Aki sa grade school.

READ MORE:  Vina, ‘di uurungan si Cedric, karapatan sa anak ipaglalaban

Naroon din ang boyfriend ng akres na si Paolo Contis. Pero no show sa okasyon si Paulo. Pero okay lang ‘yun kay LJ. Sabi nga nito, “Sa totoo lang, in a general sense, wala naman talaga akong ine-expect from him. Okey naman kami ni Aki. I think naipaparamdam ko naman sa kanya ang love ng isang magulang. ‘Yung love na kailangan niya, ‘yun.”

READ MORE:  Female personality, nakatikiman din ang mahusay na dramatic actor

Sa naging pahayag na ito ni LJ, hindi kaya pinariringgan niya si Paulo? Na dahil hindi ito present sa birthday ng kanilang anak, ibig ba niyang sabihin, na hindi nito ipinararamdam ang love kay Aki? Ano kaya ang dahilan at hindi nagawang puntahan ni Paulo ang birthday ng kanilang anak?

READ MORE:  Bong, malungkot na namaalam sa staff and crew ng KAP

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved