Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ogie, natabunan sa birit ni Regine
Ogie, natabunan sa birit ni Regine

Ogie, natabunan sa birit ni Regine

TODO ang suportang ibinigay ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa mall show para sa bagong album ng kanyang mister na si Ogie Alcasid. Nakipag-duet siya noong Sabado sa Robinson’s Magnolia.

Natawa kami sa sinabi ni Ogie na halos hindi na siya marinig dahil sa tindi ng birit ni Regine. Pero nairaos pa rin na maganda ang duet nila.

READ MORE:  Sam, excited na sa pagsasama nila ni Jen

Ang medley songs na ito nina Ogie at Regine ay kasali rin sa bagong album na Nakakalokal na isang kakaibang collaboration kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Ito ang unang pagsanib puwersa ng premyadong grupo sa isang solo artist para sa isang album.

Nakapaloob sa album ang anim na original composition gaya ng Nakakalokal, Ikaw Ang Tanging Pag-ibig Ko, Akala Ko, Di na Muli, Di Ka Pababayaan, at Do You Wanna Dance With Me. Ito ay mula sa Star Music.

READ MORE:  Lucy, na-excite muling makapag-sayaw via Celebrity Dance Battle

Of course kasama rin ang mga kantang isinulat ni Ogie na nag-hit gaya ng Kailangan Kita, Ikaw Ang Aking Pangarap, at Ikaw Lamang.

READ MORE:  Yaya Dub, paborito rin ni Helen

Ang unang album niya sa ilalim ng Star Music ay ipinodyus ni Jonathan Manalo. Ito ay mabibili sa lahat ng digital stores worldwide at lahat ng record bars nationwide.

ni ROLDAN CASTRO

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top