Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco at Daniel, neck to neck ang labanan sa pagiging Primetime King
Coco at Daniel, neck to neck ang labanan sa pagiging Primetime King

Coco at Daniel, neck to neck ang labanan sa pagiging Primetime King

NAKAAALIW dahil sina Coco Martin at Daniel Padilla na ang pinagtatapat ngayon kung sino ang mas dapat tawaging Primetime King dahil neck-to-neck ang ratings ng mga programa nilang FPJ’s Ang Probinsyano at La Luna Sangre.

Base sa ulat ng PEP, ilang beses nagtabla sa ratings ang dalawang programa nina Coco at Daniel at may mga araw ding lamang ang Ang Probinsyano ng ilang puntos samantalang ang La Luna Sangre naman ay maliit lang ang kalamangan kapag naka-ungos.

Kumbaga sa trapik sa Edsa, bumper to bumper ang labanan ng mga sundalo at mga lobo at bampira.

Kaya kami naaliw ay dahil parehong Kapamilya actors na lang ang pinagtapat ngPEP dahil wala naman kasing puwedeng itapat sa Kapuso actors/actress na parehong hindi nananalo sa ratings game ang mga programang Mulawin vs Ravenaat My Love From The Star.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved