Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Atty. Jemina Sy, tuloy-tuloy sa paghataw ang showbiz career
Atty. Jemina Sy, tuloy-tuloy sa paghataw ang showbiz career

Atty. Jemina Sy, tuloy-tuloy sa paghataw ang showbiz career

TULOY-TULOY ang pag-hataw ng showbiz career ng lawyer-aktres na si Jemina Sy. Matapos mabigyan ng introducing role sa pelikulang Bubog ni Direk Arlyn dela Cruz, kaliwa’t kanan ang projects niya ngayon.

Kabilang dito ang tatlong pelikula tulad ng Recipe For Love na pinagbibidahan nina Christian Bables at Cora Waddell, directed by Joey Reyes, Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina ni Direk Arlyn dela Cruz na tinatampukan naman nina Ara Mina, John Estrada, at Elizabeth Oropesa, atThe Barker ni Empoy Marquez mula sa pamamahala ng komedyanteng si Dennis Padilla.

Nag-e-enjoy ba siya sa kanyang career bilang aktres at hindi nagsisisi na pumasok sa showbiz? Nakangiting sagot niya, “Okay naman, I’m just enjoying it. Hindi naman ako nagsisisi sa pagpasok sa showbiz, kasi pa-ngarap ko ito talaga, e,” nakatawang saad niya

READ MORE:  Yassi, proud maging kauna-unahang Pinay endorser ng isang produkto

Pinuri rin ni Atty. Jemina sina Empoy at ang direktor ng The Barker na si Dennis. “Magaling siya, magaling na komed-yante si Empoy. Kasi sa itsura pa lang niya, nakatatawa na talaga. I think si Empoy is one of the rising comedians natin ngayon. Okay naman si Direk Dennis, magaling siyang director at very professional. Hindi siya mahigpit, oo naman, ka-vibes ko naman siya, close na kami ni Direk Dennis, e, hahaha!”

Nabanggit din niyang magkakaroon siya ng TV show na tipong MMK ni Ms. Charo Santos. “May upcoming show ako probably this August or September ito, isang legal show na ang title ay Legally Yours, Jemina. Radio-TV iyon, pero hindi ko pa sure kung ka-ilan ang start dahil medyo busy ako ngayon, pero nakadalawang tapings na kami, bale weekly ito. Parang Maalala Mo Kaya ito at Ipaglaban Mo.”

READ MORE:  Direk Ian, mas excited kaysa pressured

Paano attorney kung intrigahin ka at sabihing gaya-gaya ito sa Ipaglaban Mo? “No, it’s different. Kasi Ipaglaban Mo is based on actual cases, e. Actual case na nangyari na and then dinramatized nila. Tapos na ‘yun e, based on court rules already or court decisions.

READ MORE:  Open letter kay Mar Roxas naging ‘viral’ sa internet

“My program is hindi pa siya, wala pa siyang court case, advice pa lang kami. Parang nagtatanong pa lang ‘yung letter sender. So bale, iyong kanyang case, ida-dramatize natin iyan, then we will give advice,” nakangiting esplika ni Atty. Jemina na look-alike ni Angelica Panganiban.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved