Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sundalo patay sa NPA sa Mauban, Quezon
Sundalo patay sa NPA sa Mauban, Quezon

Sundalo patay sa NPA sa Mauban, Quezon

MAUBAN, Quezon – Patay ang isang sundalo makaraan makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army sa bayang ito, nitong Lunes ng umaga.

Nagpapatrolya ang Alpha Company ng 76th Infantry Batallion ng militar, nang makasagupa nila ang nasa pitong rebelde sa Brgy. Cagsiay 2.

READ MORE:  Elevator girl nahulog, tigok (Sa SM’S The Block)

Makalipas ang 10 minutong bakbakan, dumating ang dagdag-puwersa ng mga sundalo at pulis, dahilan para umatras ang mga NPA.

Napatay sa bakbakan si Corporal Argel Joseph Dela Cruz.


Pinaniniwalaang napatay rin ang ilang rebelde dahil sa mga bakas ng dugo sa kanilang posisyon.

READ MORE:  Bigtime carnapper timbog sa hot car (Remnant ng Dominguez group)

Patuloy na tinutugis ng militar ang mga nakatakas na rebelde.

Nito lamang nakaraang linggo, inatake ng NPA ang mga tropa ng pamahalaan sa ilang lalawigan.

READ MORE:  2 kelot niratrat sa Maynila

Bunsod nito, dalawang miyembro ng Philippine Marines ang napatay sa Palawan, habang apat Presidential Security Group (PSG) officers ang nasugatan sa Cotabato.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved