Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dahil talunan sa ratings game: serye ng isang network kukuha ng maraming publicist para kaliwa’t kanan ang releases
Dahil talunan sa ratings game: serye ng isang network kukuha ng maraming publicist para kaliwa’t kanan ang releases

Dahil talunan sa ratings game: serye ng isang network kukuha ng maraming publicist para kaliwa’t kanan ang releases

ALIW na aliw kami sa programang talunan sa ratings game dahil siguro wala namang puwedeng isulat tungkol sa serye kaya tungkol na lang sa personal life ng mga bida ang nababasa namin.

Nagkatinginan kami ng kausap naming TV executive habang binabasa ang tungkol sa cast ng talunang programa dahil wala namang kinalaman sa serye nila ang write-ups tulad ng bagong hairdo, bagong brand ng make-up, at hobbies para maging physically fit at kung anik-anik pa.

READ MORE:  Alwyn, nabigyan din ng malaking break (After 15 years sa showbiz…)

“Eh, kasi naman Regs, ano naman puwede nilang i-write sa sarili nilang show, eh, wala namang bagong kuwento kasi alam naman na lahat ang mangyayari at aminado rin naman (producers) na talo sila, kaya ang pinaghahandaan nila ay ang ipapalit nila at dito nila ibubuhos lahat ng suporta at balita ko nga, kukuha sila ng maraming publicist para kaliwa’t kanan ang releases,” pag-amin sa amin ng TV executive.

READ MORE:  Jadine, walang ambisyong higitan o talunin ang KathNiel
READ MORE:  Mga festival na pang-indie, ‘di kumikita

Sabi namin, kunin man nila ang pinakamahal na PR Firm kung wala rin namang binatbat ang programa, hindi rin ito tatangkilikin.

Pareho rin ito sa mga produkto, maski na gastusan ng milyones kung hindi naman masarap ay hindi rin ito bebenta sa merkado.

(Reggee Bonoan)

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved