Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, bangungot kapag sinisingil na
Aktres, bangungot kapag sinisingil na

Aktres, bangungot kapag sinisingil na

BANGUNGOT kung ituring ng isang travel agency ang makatransaksiyon angaktres na ito. Sukat ba naman kasing pagkarami-raming ticket kung bumili papunta sa kung saan-saan, utang naman!

“Hay, naku, ‘kalurky talaga ang aktres na ‘yon na kung magpa-book ng kanyang flight, eh, bitbit yata ang buong barangay! Imagine, nasa 30 katao ang kasama niya sa tuwing magpapa-book siya ng flight. Siyempre, ang gagawin nga naman ng travel agent, eh, agarin ang booking niya. Tiba-tiba nga naman siya roon sa kikitain niya!” tsika ng aming source.

READ MORE:  Rayver, nagpaparamdam muli kay Shaina!

Eto na, pagdating sa bayaran ay malabo nang maasahang magbabayad ang hitad,”Ang galing-galing niyang magpa-book, ASAP pa, ha? Pero ‘Day, kapag pinadalhan na namin siya ng billing statement, wa na siya mahagilap!”

READ MORE:  Lloydie, ‘di pa laos kahit walang teleserye

One time ay tinawagan ng travel agent ang hitad sa mismong landline nito sa bahay,”Siyempre, hahanapin namin siya, aba, ang hitad, boses na nga mismo niya ang sumagot sa phone, eh, iniiba-iba pa niya! Kesyo wala raw siya, pero boses niya ‘yon, ha? Kabog ang voice talent sa aktres na ‘yon!”

READ MORE:  Architect BF ni Zsa Zsa, ex ni Pops?

Da who ang bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Almira Romano.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved