Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sam Mangubat, 5th Gen at Ron Mclean pumirma sa T&J Salon Professionals
Sam Mangubat, 5th Gen at Ron Mclean pumirma sa T&J Salon Professionals

Sam Mangubat, 5th Gen at Ron Mclean pumirma sa T&J Salon Professionals

GINANAP kamakailan sa opisina ng T&J Salon Professionals sa Zen Building Nakpil St., Malate Manila ang contract signing ng newest ambassadors nilang 5th Gen na kinabibilangan nina Reymond, Lady, Mariel, RJ, Sam Mangubat, at Ron Mclean.

Present sa contract signing sina Seven Lee, T&J Salon top stylist/ ambassador, Jay Domingo, Business Development Group Head ng Bangs Prime Holdings, at Sky Park, President ng First Asia Bangs Corporation.

READ MORE:  Buhay ni Heart, nanganganib na naman

Ayon kay Ron, “I’m so thankful to be part of T&J Salon and grateful kina sir Jay, sir Seven and sir Sky dahil binigyan nila ako ng pagkakataong maging part ng family nila.”



Ayon naman sa 5th Gen, “We decided to renew our contract with T&J Salon because of the people dahil mababait silang lahat and nararamdaman namin na part kami ng pamilya and of course happy kami sa services na ibinibigay nila.”

READ MORE:  Luis, type raw ni Maine

Dagdag naman ni Sam, “Ang maganda kasi sa T&J Salon, hindi lang KPop ‘yung kini-cater nilang looks, depende pa rin sa costumer kung anong gusto nila, mapa-western man ‘yan or kahit anong look kaya nila.”

READ MORE:  MJ Marfori, bagay maging artista

Morethan 50 plus na ang ambassador ng T&J Salon and Bangs Prime Salon pero marami pa ang ang pipirma sa mga susunod na araw. Balak nga nilang magkaroon ng isang malaking show na magsisilbing launching ng lahat nilang ambassadors at ‘yun daw ang dapat abangan.

MATABIL – John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved