Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sinibak na hepe ng Binangonan PNP sugatan sa ambush
Sinibak na hepe ng Binangonan PNP sugatan sa ambush

Sinibak na hepe ng Binangonan PNP sugatan sa ambush

 

NILALAPATAN ng lunas sa ospital ang dating chief of police ng Binangonan PNP, makaraan tambangan habang papasok sa trabaho sa Antipolo City, kahapon ng umaga.

Sa ulat kay S/Supt. Albert Ocon, Rizal PNP provincial director, kinilala ang biktimang si Supt. Noel Verzosa, kasalukuyang nakatalaga sa personnel division ng PNP Region-IV (Camp Vicente Lim) Laguna.

READ MORE:  Chiz panalo sa VP debate (Sa SWS mobile survey)

Sa imbestigasyon, dakong 7:00 am nagkakarga sa gasoline station si Verzosa sa Siyete Medya St., sa lungsod nang bigla siyang pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

READ MORE:  Killer ng Grab driver nakapuga sa Pasay City Jail

Ang biktimang tinamaan ng bala sa kaliwang braso ay agad nakahingi ng saklolo kaya agad siyang naisugod sa pagamutan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklong walang plaka nang mag-panic ang mga taong nakasaksi sa insidente.

READ MORE:  P1.2-M shabu tiklo sa dealer

Nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad para mabatid ang motibo ng pamamaril at matukoy ang armadong mga suspek.

(ED MORENO)

COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved