Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot sinaksak ng bebot
Kelot sinaksak ng bebot

Kelot sinaksak ng bebot

 

SINAKSAK sa likuran ang isang lalaki ng isang hindi kilalang babae sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kasalukuyang nagpapaga-ling sa Tondo Medical Center ang biktimang si Cyprince Manipulo, 25-anyos, single, walang trabaho, residente sa Capulong St., Brgy. 97, Tondo, Maynila dahil sa sugat na ni-likha ng pananaksang nang hindi nakilalang babae sa kanyang likuran.

READ MORE:  Kaso ni Garcia ‘di pinabayaan — Palasyo

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Ronaldo Dueñas ng Raxabago Tondo Police Station (PS-1), naglalakad umano si Manipulo sa kanto ng Simon at Kapulong streets dakong 1:45 pm nang saksakin siya sa likuran nang hindi nakilalang babae saka tumakas.

READ MORE:  1 sugatan sa QC fire

Hinihinalang ang motibo ng pananaksak ay matagal nang sama ng loob ng suspek sa biktima dahil labis umano ang galit nito kay Cyprince nang saksakin ito.

READ MORE:  AFP chief, 48 military, police officers lusot sa CA

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang Smokey Mountain PCP para sa posibleng pagkakakilanlan at paghuli sa suspek.

(RONALINE AVECILLA)

 

 

COMMENTS

About Ronaline Avecilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved