Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / GF ni Geoff Eigenmann, buntis nga ba?
GF ni Geoff Eigenmann, buntis nga ba?

GF ni Geoff Eigenmann, buntis nga ba?

 

MATUNOG ang alingasngas na magiging tatay na umano si Geoff Eigenmann.

Nagsimula ang tsika sa isang blog na nagtatanong din kung buntis ba ang girlfriend niyang singer na si Maya?

Ito ba ang tunay na dahilan kaya nagsolo na ang music partner ni Maya na si Migz Haleco?

READ MORE:  Kasalang Richard at Maya, 3 simbahan ang pinagpipilian!

Wala pang kompirmasyon na nanggagaling sa kampo nina Geoff at Maya, maging sa PPL management nila. Pero may bulong-bulungan na umano’y manganganak si Maya sa September.

Kung totoong magiging ‘ama’ na si Geoff ay nasa hustong gulang na siya, 32-anyos na ito.

Sa naturang blog ay nag-comment din ang netizens. Puwede nang mag-asawa si Geoff dahil wala namang maaabala at kontratang mabi-breach.

READ MORE:  Angel Locsin at Phil Younghusband, hiwalay na?!

Hindi na rin ito bumabata at may kanya-kanyang pamilya na rin ang mga utol niya.

May nag-comment din na kaya nang bumuhay ng pamilya si Geoff dahil co-owner ito ng isang spa at dalawang restaurants.

READ MORE:  Mga artista ng Dos at Siete, isailalim sa mandatory drug test

Mas dapat na seryosohin ngayon ni Geoff ang pagpapaganda ng katawan para madali siyang makakuha ng role. Dapat niyang isipin na madagdagan ang kita niya para sa future ng magiging pamilya niya.

Ganern?

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved