Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 11 pang bus terminal ipasasara ng MMDA
11 pang bus terminal ipasasara ng MMDA

11 pang bus terminal ipasasara ng MMDA

POSIBLENG ipasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 11 pang bus terminals sa EDSA sa Pasay City dahil sa natuklasang mga paglabag.

Inirekomenda ni Jojo Garcia, chief of staff ni MMDA Chairman Danilo Lim, na isyuhan ng “closure order” ang apat sa 11 bus terminal na may mga paglabag.

Ito ang mga terminal ng Saint Rafael, Saint Jude at A. Bragais, Pamar at Ferdinand bus line; Mark Eves at Fortune Star.

READ MORE:  PPRC, MMDA, PNP at LGUs, nagkasundo para sa San Juan River

Kahapon sa isinagawang ocular inspection, nalaman na ang apat terminal ng naturang mga bus company ay pawang naghahati ngunit walang mga kaukulang business permit.

“We will give these terminals 15 days to produce the necessary permits or we shall be forced to shut them down,” ani Garcia.

READ MORE:  Tulak na ex-parak, 1 pa utas sa sagupaan

Ang inspeksiyon ng MMDA ay may koordinasyon sa tanggapan ni Pasay City Mayor Antonino Calixto at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nadiskobre na karamihan sa mga terminal, ang hawak na permit ay para sa garahe ng airport shuttles, at mini-buses papuntang Cavite, at naghahati-hati lamang sila. Wala silang pasilidad para sa operasyon ng terminal.

Dahil maliit ang espasyo, sinasakop ng mga bus ang gilid ng kalsada bilang loading at unloading area ng mga pasahero.

READ MORE:  6-anyos totoy todas sa taga, martilyo ni tatay (Nanay kritikal)

Ang pitong bus companies na hindi muna tinukoy, ay walang barangay clearance at nagkaroon ng paglabag sa “nose in, nose out policy.”

“We will be inspecting these terminals again and issue them notice to comply,” pahayag ni Garcia.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved