Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘Suwerte’ ni Isko at pagdurusa ng mamamayan humahaba

‘Suwerte’ ni Isko at pagdurusa ng mamamayan humahaba

IKINALUNGKOT nang marami ang balitang itinalaga ni Pang. Rodrigo R. Duterte sa puwesto si Francisco “Isko Moreno” Domagoso, dating Manila vice mayor at talunang senatorial candidate sa tiket ni Sen. Grace Poe noong 2016 elections.

Kahit yata masamang tao ay hindi makakayang lunukin ang reaksiyon ng publiko sa pagkakatalaga kay Isko sa North Luzon Railways Corp., bilang board member.

Hindi sana makalulusot na mapasok ng isang gaya ni Isko ang administrasyon kung may malasakit kay Pang. Duterte ang mga nakapaligid sa kanya.

Alam ba ni Pang. Duterte na si Isko ay itinuturing ng mgaManileño na salot sa Maynila?

Katunayan, sa Maynila ay talo si Isko nang tumakbong senador, kahit pabuksan pa ni Pang. Duterte sa Commission on Elections (Comelec) at ipabilang ang mga balota na ginamit noong nakaraang eleksiyon.

Sa District I, na dati ay ipinangangahas niyang baluwarte, ay talo rin at maliit lang ang nakuhang boto ni Isko.

READ MORE:  Korupsiyon sa LTO

Kung ang mga nakapaligid sa pangulo ay nagtanong-tanong lang muna sana sa mga Manileño ay natuklasan sana nila kung gaano kabantot ang pangalan ni Isko sa Maynila at tiyak na makokonsensiya sila na isubo para papirmahan ang kanyang appointment na maitalaga sa puwesto.

Natuklasan din sana nila kung paano binaboy at binusabos ni Isko ang mga Manileño para hindi madamay si Pang. Digong.

Kahit na sabihin pang diskresiyon ng pangulo ang pagtatalaga sa puwesto ay may mga pamantayan naman na dapat isaalang-alang sa pagpili ng appointees.

Ang pagiging tapat at hindi corrupt ang pangunahing pamantayan kaya nga ibinoto at nanalo si Pang. Digong.

Kabaligtaran naman si Isko na isinuka ng mga botantengManileño sa Maynila dahil sa katiwalian.

May nakabinbin pang mahigit sa kalahating bilyon pisong plunder case si Isko sa Ombudsman kaugnay ng ghost employee scam na nadiskubre ng Commission on Audit (COA) noong 2012.

READ MORE:  Kakainin mo ba uli ang isinuka mo?

Hindi ba maliwanag na kontrapelo ang pagkakatalaga kay Isko sa kampanya ng administrasyon laban sa mga tiwaling magnanakaw sa pamahalaan?

Isa lang ang nasisiguro natin, tiyak ang puwestong pinaglagyan kay Isko ay gagamitin niya sa panloloko sa mga Manileño para sa binabalak na tambalan nila ng very close BFF na si Honey Lacuna-Pangan sa 2019.

Delikado, baka pati mga riles ng tren ay maubos kapag naisipang ipakilo ni Isko.

 

CASINO, SAKOP
NA RIN NG AMLA

NILAGDAAN na ni Pres. Rodrigo R. Duterte ang Republic Act 10927, dating RA 9160 (Anti-Money Laundering Act of 2001), kaya saklaw na rin ngayon nito pati mga casino, internet at ship-based operations na ginagamit sa paglalabada ng mga nakaw na kuwarta at nakamal sa maruming paraan.

Mabuti ang layunin ng nasabing batas para masawata ang pananabotahe sa ekonomiya ng bansa.

READ MORE:  Liberalization of rice importation

Pero may batas kasi na ipinagbabawal sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno na pumasok at magsugal sa mga casino pero hindi naipapatupad.

Walang kabuluhan ang mabuting hangarin kung walang kasamang public accountability o ‘di kasamang pinapananagot ang mga naatasang magpatupad ng batas.

 

PANOT PATI UTAK

WALA raw munang balak magbalik sa politika si dating Pang. Noynoy Aquino, sa ngayon.

Sino naman ang nagsabi sa kanya na magbalik siya sa politika, aber?

Sira-ulo lang ang mag-uudyok sa kanya na magbalik pa sa politika pagkatapos na lapastanganin ang pag-asa ng mga bumoto sa kanya sa loob ng anim na taon.

Hindi lang pala ulo niya ang panot, pati pala utak!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved