Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Special screening ng Kita Kita, dinagsa ng mga artista
Special screening ng Kita Kita, dinagsa ng mga artista

Special screening ng Kita Kita, dinagsa ng mga artista

STAR-STUDDED ang special screening ng pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy, ang Kita Kita na ginanap sa TriNoma kamakailan. Pinangunahan iyon ng isa sa producer ng pelikula, si Piolo Pascual mula sa Spring Films.

Sinuportahan din ang AlEmpoy nina Maymay Entrata at Edward Barber, Inigo Pascual, Maris Racal, Xian Lim, Maricar Reyes at Richard Poon, Angeline Quinto at Erik Santos, Yeng Constantino at Yan Asuncion, Ritz Azul, KZ Tandingan, Maymay Entrata, at Bb. Joyce Bernal.

Pawang positibo naman ang nasabi ng mga nanood ng Kita Kita at ineengganyo nila ang publiko na panoorin ito.

Ani Yeng, ”Kakatapos lang panoorin ang Kita Kita movie. Panoorin nyo sobrang ganda!!!!”

Sinabi naman ni Maris, ”Iba ang mga banat mo, kuya Empoy! Manood po tayo ng Kita Kita showing na bukas!!

“Kita Kita is a 10 out of 10. *still sobbing while typing this tweet,” sambit naman ni KZ.

Palabas na sa mga sinehan ang Kita Kita mula sa Spring Films at Viva Films.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved