Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ara at Mayor Meneses ‘di totoong nagkabalikan, ‘di rin nanliligaw uli
Ara at Mayor Meneses ‘di totoong nagkabalikan, ‘di rin nanliligaw uli

Ara at Mayor Meneses ‘di totoong nagkabalikan, ‘di rin nanliligaw uli

 

INURIRAT si Ara Mina sa storycon ng pelikulang Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina kung nagkabalikan na sila ni Bulacan Mayor Patrick Meneses? Madalas kasing nakikita ang ama ng kanyang anak sa mga importanteng okasyon.

Ayon sa aktres, magkaibigan sila at tanggap na niya ang ganoong sitwasyon. Ang mahalaga ay hindi nagkukulang si Mayor sa obligasyon niya sa kanyang anak.

READ MORE:  Papang Masahista shocking sa kabaklaan ng controversial na personalidad (Siga-siga kasi ang dating! )

Hindi rin totoong nanliligaw uli si Mayor sa kanya para magkabalikan sila.

Hindi rin bitter si Ara kung nababalitaan niyang may idine-date ng iba si Mayor. Kahit naman siya ay puwedeng tumanggap ng suitors pero hindi niya prioridad ito ngayon. Tutok siya sa anak niya, sa businesss, at sa kanyang career. Plano ni Ara na balikan at maging aktibo sa kanyang singing career.

READ MORE:  Malapit na sa mental hospital ang malditang plastikadang unano!

Bukod dito, tinanggap niya ang pelikula kasama sina John Estrada, Akihiro Blanco, Elizabeth Oropesa, Simon Ibarra, Jeffrey Santos, Jemina Sy, Joyce Pilarsky, John Robin atbp. Ito ay sa direksiyon ni Arlyn Dela Cruz under Kapandesal Events & Productions Inc and BlankPages Productions.

READ MORE:  Sen. Binay, updated sa mga nangyayari sa showbiz

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved