Tuesday , October 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anak ni sikat na male personality, nagbantang magpapakamatay kapag naghiwalay ang mga magulang
Anak ni sikat na male personality, nagbantang magpapakamatay kapag naghiwalay ang mga magulang

Anak ni sikat na male personality, nagbantang magpapakamatay kapag naghiwalay ang mga magulang

 

MASELAN ang paksa ng blind item na ito kung kaya’t bahagya naming babaguhin ang mahahalagang detalye pertaining to the characters involved.

Kaya pala hindi mahiwa-hiwalayan ng isang sikat na male personality ang kanyang dyowa ay dahil sa seryosong banta ng kanilang anak: magpapakamatay daw ito kung ganoon ang kauuwian ng matagal nang pagsasama ng kanyang mga magulang.

READ MORE:  Brillante Mendoza, muling magtutungo ng Cannes para sa Amo

Wala man kasing malinaw na katibayan ang lalaki’y naglalaro sa kanyang isip na nangangaliwa ang kanyang dyowa. Tsismis mang maitutu-ring pero ilang lalaki na rin kasi—sa loob at labas ng showbiz—ang naugnay sa kanyang partner.

READ MORE:  Janice is a nice woman, a good person and great actress — Priscilla

Minsan ay hindi lang ikinabigla kundi ikinabahala pa ng personalidad na ‘yon ang tinuran ng anak, tototohanin daw nito ang bantang kikitilin nito ang sariling buhay kung maghihiwalay ang kanyang ama’t ina.

READ MORE:  John Lloyd, nasa bucket list ni Jessy

Hanggang dito na lang muna ang kuwento.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved