Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Super Tekla, umaasang bibigyang muli ng pagkakataon ni Willie
Super Tekla, umaasang bibigyang muli ng pagkakataon ni Willie

Super Tekla, umaasang bibigyang muli ng pagkakataon ni Willie

 

SA isang maliit na inuupahang bahay sa Barangay Olympia sa Makati City nakatira ngayon si Super Tekla, malayo sa mukha ng kanyang tinamasang pamumuhay bago natanggal bilang host ng Wowowin.

Sa kabila nito, mukhang masaya naman ang TV host-comedian. May aura ng acceptance o pagtanggap sa kanyang sarili ang kinahinatnan ng mismong pagkukulang niya that led to his termination mula sa programang lumikha sa kanya.

READ MORE:  Angelica to Zanjoe — Hindi ko siya nakitang nag-cheat

Life goes on para kay Tekla. Pa-guesting-guesting muna siya sa TV at baka ngayon nga’y muli nang nakabalik bilang standup comedian sa mga comedy bar.

Ang kuwento ni Tekla ay kapupulutan ng aral ng marami sa ating mga artista. At one point sa kanilang career ay parang wala nang katapusan ang kanilang kasikatan only to find their stars fading out dahil sa kanilang kagagawan na rin.

READ MORE:  James at Nadine, nahuling naglalampungan

Ang cause ng downfall ni Tekla ay siya rin ang may gawa. Ang maganda lang sa TV host na ito, kasabay ng pag-a-acknowledge niya sa kanyang mga pagkukulang ay bitbit niya ang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa taong nagbukas sa kanya ng pintuan ng oportunidad, si Willie Revillame.

Sa ngayon, umaasa pa rin si Tekla na isang araw ay makakatanggap siya ng tawag mula mismo kay Willie para pabaliking muli sa Wowowin. Pero kung kakilala ng mga taga-showbiz ang TV host, nais niyang bigyan muna ng leksiyon si Tekla.

READ MORE:  Jake, iniwan ang Bench para sa Guitar

And it will take time bago magkaroon ng katuparan ang minimithing pagbabalik ni Tekla sa trabahong pinahalagahan at iningatan lang niya nang sandaling panahon.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved