Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / I intend to die as an actor — Butch Francisco
I intend to die as an actor — Butch Francisco

I intend to die as an actor — Butch Francisco

 

NAIS naming maglaan ng espasyo rito para sa dating kasamahan na si Butch Francisco. Sa totoo lang, mas naging malapit kami ni Tito Butch nang mawala sa ere ang Startalk almost two years ago.

Proof of our closeness ay ang madalas naming pag-uusap sa telepono sa gabi na umaabot hanggang madaling araw. In a way ay gusto naming ipadama sa kanya na hindi dahil hindi na kami magkatrabaho’y natuldukan na rin ang aming pagkakaibigan.

READ MORE:  Coco Martin lilinisin ang pangalan sa Gabriela at Commission on Women (Dahil inosente at ‘di gusto ang ginawa sa The Naked Truth!)

Sa mga nagtatanong kung kumusta na si Tito Butch, well, he has found another career avenue: ang pag-arte.

Yes, kabilang siya sa seryeng pinamagatang Tokhang among several shows na inilunsad kamakailan ng Cignal sa TV5.

Papel na investigative reporter ang ginampanan niya sa kuwento na nasa cast din si Mon Confiado, among many others.

Ang kilalang si Tita Joanne Banaga ang nag-alok kay Butch ng acting part, na kung bakit nito tinanggap ay dahil isang oportunidad din ‘yon to be visible again on TV kahit hindi na siya host.

READ MORE:  Erika Mae Salas, proud maging bahagi ng concert ni Gerald Santos

“I intend to die as an actor,” pag-aanunsiyo ni Butch on mike nang tanungin ng nagsilbing emcee na si Paolo Bediones what made him grab the offer.

Honestly, masaya kami para kay Tito Butch who—to us, is probably one of the most misunderstood people in showbiz.

READ MORE:  Meg imperial, nakikipagsabayan kay Claudine!

Suplado, mahirap biruin, aloof. Ilan lang ito sa mga ‘di kagandahang katangiang nakikita sa kanyang panlabas. Pero ang inyong lingkod na ang magpapatunay, si Butch Francisco ay isang totoong tao sa mundong batbat ng pagbabalatkayo.

Aanhin natin ang taong sa harap mo lang nakangiti, pero nakabusangot naman kapag tumalikod na sa iyo?

Kaya sa ‘yo, Tito Butch, may your acting career flourish!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved