Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 utas sa buy-bust (Sa Maynila)
4 utas sa buy-bust (Sa Maynila)

4 utas sa buy-bust (Sa Maynila)

 

PATAY ang apat hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na lugar sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa inisyal na ulat, dalawang hindi nakilalang mga suspek ang napatay ng mga tauhan ng MPD-Police Station 10, sa buy-bust o-peration sa isang eskinita sa Callejon Dos, Brgy. 849, sa Pandacan.

READ MORE:  40 mangingisda na napiit sa Indonesia aarborin kay Widodo

Samantala, sa ulat ng MPD-Homicide Section, dakong 11:30 pm nang mapatay ng mga tauhan ng MPD-PS2, sa buy-bust operation ang suspek na si Jonnylon Bangcaya alyas Jumong, 30, miyembro ng Batang City Jail, ng Gate 17, Parola Compound, Tondo.

READ MORE:  SC no comment sa P50-M retirement claim ni Corona

Kasunod nito, dakong 2:45 am nang mapatay ng mga tauhan ng MPD-PS 2 si Rogelio Mangsat alyas Wewe, 38, miyembro ng Sputnik gang, sa loob ng kanyang bahay sa 541-A Lakandula St., Tondo, Maynila.

READ MORE:  Sakripisyo at statesmanship ni Koko, pinuri ng PDP Laban

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved