Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagtulong ni Token Lizares kay Pinlac, kahanga-hanga
Pagtulong ni Token Lizares kay Pinlac, kahanga-hanga

Pagtulong ni Token Lizares kay Pinlac, kahanga-hanga

 

HINDI pa namin nakakaharap nang personal ang mang-aawit na si Token Lizares na alaga ng kaibigang si Ate Mercy Lejarde. Nababasa lang namin ang kanyang pangalan na binansagang Charity Diva dahil sa mga singing engagements niya na ang proceeds ay inilalaan sa kawanggawa.

Isa sa mga naging benepisyaryo ng kanyang pagtatanghal kamakailan—kasama ang matagal na naming kaibigang si Malu Barry—ay si Richard Pinlac, isa sa malalapit naming reporter-friends mula pa noong dekada nobenta.

READ MORE:  Bong Go, humingi ng dispensa; Kris, himanon si Mocha: ‘Di kita uurungan

Tulad ng alam ng marami, na-stroke si Richard noong May last year, dahilan para hindi na makapagradyo sa programang Cristy Ferminute na ang inyong lingkod ang pumalit.

Personally, nais naming itawid ang aming paghanga at pasasalamat kay Token dahil sa kanyang layunin. Iilan lang ang mga tulad niyang mang-aawit na hindi maramot sa kanyang talento at nakukuha pang mamahagi ng ayuda sa tulad ni Richard.

READ MORE:  Erich at Daniel, ‘di totoong nagli-live-in

Credit also goes to the recent birthday celebrator, si Ate Mercy, na nagdala pa kay Token sa sick bed ni Richard.

READ MORE:  Michael Pangilinan tours Pagcor Casinos nationwide!

Kapuri-puri ang ginawa ni Token para sa isang kasamahan sa industriya. Harinawa’y mas marami pang makinabang sa mga act of charity ni Token sa pamamagitan ng kanyang musika.

Mabuhay ka, Token, dahil sa iyong magandang puso!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

 

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved