Friday , April 19 2024

Andrea Torres, aalis na sa Triple A dahil kay Marian Rivera?

 

ANDREA Torres on persistent rumors about her rift with Marian Rivera: “Ako po, para sa akin, wala naman po talagang problema. Hoping ako na maging tapos na rin sa mga tao. Kasi ano, burden din sa kanila na meron silang kinaiinisan or inaaway na hindi naman kailangan, kasi wala naman talagang anything na dapat pag-awayan.”

Tumangging magsalita si Andrea Torres tungkol sa balitang aalis na siya sa poder ng Triple A, ang talent management company na pagmamay-ari ni Mr. Tony Tuviera.

Sinasabing ang dahilan ng pag-alis ni Andrea ay bunsod ng napabalitang enkuwentro sa pagitan nila ni Marian Rivera, isa sa prized talents ng Triple A.

Nang makausap lately ng press si Andrea, sinabi niyang wala pa siyang maisasagot tungkol sa isyung ito.

But she can be reached by way of her handler at GMA Artist Center, GMA’s talent arm.

But is everything okay with her and Marian?

“Ako po, para sa akin,” she emphatically states, “wala naman po talagang problema.

“Hoping ako na maging tapos na rin sa mga tao.

“Kasi ano, burden din sa kanila na meron silang kinaiinisan or inaaway na hindi naman kailangan, kasi wala naman talagang anything na dapat pag-awayan.”

Andrea asseverates that she is continuously being plagued by the bashers.

“Naapektohan din po talaga ako, kasi siyempre, ano ‘yun, e…

“Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao na ate ate ko si Ate Yan, tapos kuya rin ang tingin ko kay Kuya Dong.

“So, parang hindi lang maganda pag pinagsasabong kami nang ganoon, kasi may respetohan naman kaming lahat.”

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *