Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Elnella et al maninindak sa “Bloody Crayons” (Palabas na sa mga sinehan)
Elnella et al maninindak sa “Bloody Crayons” (Palabas na sa mga sinehan)

Elnella et al maninindak sa “Bloody Crayons” (Palabas na sa mga sinehan)

 

FIRST movie ni Elmo Magalona ang Bloody Crayons since lumipat ang young singer/actor sa Kapamilya

Network. Happy si Elmo at napabilang siya sa two years in the making na proyketong ito at kasama pa niya ang ka-loveteam na si Janella Salvador.

Dagdag ni Elmo, masaya siya at sobrang challenging ito for him dahil first time niyang makagawa nang ganitong klaseng movie na gore at suspense. Na-enjoy niyang ilabas ‘yung pagiging tense at takot.

Sabi ni Janella sa grand presscon ng movie three weeks ago sa Dolphy Theater, sa haba ng paggawa ng Bloody Crayons ay hindi sila kasama noong simula (Ang tambalang Julia Barretto at Joshua Garcia ang naunang choice para rito), pero siyempre happy sila ni Elmo na pinasok sila sa cast at sila ang final kasama ng co-stars na sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jane Oineza, Maris Rascal, Yves Flores, Empoy Marquez at Ronnie Alonte.

READ MORE:  Coco Martin at Bench, parehong kapuri-puri

Ang Bloody Crayons ay base sa sikat na sikat na Wattpad story at sa bestselling nobela ng Precious Pages. Iniakda ni Jason Argonza ang nasabing bagong suspense-thriller movie sa ilalim ng direksiyon ni Topel Lee.

Ayon sa director ng Bloody Crayons, mag-e-enjoy ang lahat sa pelikula nila na inilarawang kakila-kilabot na katatakutang movie.

“Di lang dahil talagang nakapaninindig-balahibo ang pelikula kung hindi mahusay na nagampanan ng bawat member ng cast ang role assigned to her/him,” himig pang pagmamalaki ni direk Topel sa kanyang proyekto at mga artista.

At mukhang marami ang interesadong mapanood ang latest movie offering ng Star Cinema dahil lahat ng mall show ng cast led by ElNella (Elmo and Janella) at ‘yung appearance ng dalawa kasama sina Jane at Empoy sa One Music PH’s live video na kinantahan ng apat ang viewers, as of July 8, humamig na ng almost half a million of views.

READ MORE:  Mo, pinatulan si Mocha

Palabas na sa cinemas nationwide ang Bloody Crayons at maganda ang response ng viewing public rito.

AWRA BRIGUELA AAWRA
SA PAGLIPAD
BILANG “AMAZING VING”

Bukod sa regular show na FPJs Ang Probinsyano ng Your Face Sounds Familiar Grand winner na si Awra Briguela ay isang panibagong break na naman ang ipinagkaloob kay Awra ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.

Simula ngayong Hulyo 16 (Linggo), ang young comedian ang bibida sa bagong handog na magical story sa Wansapanataym Presents na “Amazing Ving” at gaganap siyang bagong batang super hero rito.

READ MORE:  Raffy Tulfo, aayudahan ang taxi driver na pinagbintangang magnanakaw ni Maegan

Masuwerte si Awra dahil makakasama niya sa bagong episode ng Wansapanataym ang sikat na tandem noong early 90s na sina Roderick Paulate at Carmi Martin ng “Tonight with Dick and Carmi” na gaganap na mga masayahing magulang sa Amazing Ving.

Nasa cast ang bagong Kapamilya loveteam na sina Kisses Delavin at Marco Gallo na parehong produkto ng PBB Luck Season 7.

Ka-join din si Ellen Adarna bilang Super Bing na siyang magkakaloob ng kapangyarihan kay Ving (Awra) at Bianca Manalo na lalabas namang contravida at mahigpit na makakalaban ni Amazing Ving.

Abangan every Sunday si Awra sa kanyang pagganap bilang heroine sa Wansapanataym pagkatapos ng The Voice Teens sa ABS-CBN-2.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved