Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Boy Abunda at Kris Aquino matibay pa rin ang pagkakaibigan
Boy Abunda at Kris Aquino matibay pa rin ang pagkakaibigan

Boy Abunda at Kris Aquino matibay pa rin ang pagkakaibigan

 

INILINAW ng award-winning TV host at kilalang talent manager na si Boy Abunda na maayos ang pagkakaibigan nila ni Kris Aquino. Sinabi niyang nagkakausap naman sila at nami-miss niya rin daw si Kris.

“Yes, she’s very well. I have much more to worry for my self than her,” nakatawang sagot ni Kuya Boy.

Esplika niya, ”Nami-miss naman. Kahit kami ni Kris magkasama sa isang palabas, hindi kami groupie. Hindi kami nagsasamang kumain. Unless we need each other, halimbawa, nagpapasamang mamili.

“But we’re not clingy to each other. Kahit na noong nagkakatrabaho kami ni Kris, hindi ako clingy. Even during those times when we were working together sa ABS CBN, after we’d work together… kahit mga birthday, I think, I’d like to think that we have a special time for our friendship. At saka hindi talaga ako maki-party, hindi talaga ako maki-blessing… ganoon. Pero nag-usap kami at sabi ko nga sa kanya, in about two, three weeks, ako’y makikikain sa kanilang tahanan.”

Kinuha rin ng press ang reaksiyon ng King of Talk hinggil sa mga follower ni Kris na nagtatanong kung nasaan na raw ang mga dati niyang kaibigan. Wala kasi si Kuya Boy sa blessing kamakailan ng bahay ni Tetay.

“Hindi ko alam kung nasaan sila, pero ako ay narito pa rin. Noong isang araw kami ay nag-usap, pareho pa rin ang aming relasyon, nagkukuwentohan, nag-uusap. May mga nagtatanong pa rin tungkol sa trabaho at dumadaan sa akin at ipinapasa ko sa kanya.

“Pilitin man ng iba, walang nababago sa aming pagiging magkaibigan at sa aking palagay, hindi nasusukat ang pagiging magkaibigan sa pagdating o pagdalaw doon sa bahay dahil hindi pa naman natatapos ang buhay ngayon, may bukas, may isa pang araw para magkita-kita ang lahat. Walang nababago sa aming pagiging magkaibigan ni Kris,” diin ni Kuya Boy.

Samantala, pinasalamatan niya ang Eddys ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEED, na pinamumunuan ni Isah Red. Si Kuya Boy ang kauna-unahang recipient ng Joe Quirino Lifetime Achievement Award sa ginanap na parangal nito last Sunday sa KIA Theater. Ipinangalan nila ang parangal sa yumaong veteran TV host na si Joe Quirino, host ng programang Seeing Stars With Joe Quirino.

“Eddys maraming salamat… Siyempre, flattered ako, gustong-gusto ko si Mang Joe. I know Mang Joe Quirino. I used to watch his show. So, I’m really honored. Sabi ko nga kanina, I received my award with love and so much respect — the iconic Joe Quirino,” saad ni Kuya Boy.

Pahayag ng King of Talk, “Ito’y napaka-espesyal dahil… paano ko ba sasabihin? Ako’y bagong salta sa Maynila noong tinutukan ko ang palabas ni Mang Joe.

“From ‘75 to ‘86, if my research is correct. Eleven years, ginawa niya ang Seeing Stars With Joe Quirino, IBC-13, tuwing Linggo alas otso ng gabi. So, napaka-espesyal po nito, aside from the fact that he was not just an entertainer, he was a good man, he was a happy man, he was proudly Filipino. Sabi ko nga kanina, he was proudly Ilocano. ‘Take it away Mang Joe!’ Also because this is the first time that The Eddy’s is giving away the Joe Quirino award.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved