Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bela, hinamon ang kakayahan bilang aktres sa MMK
Bela, hinamon ang kakayahan bilang aktres sa MMK

Bela, hinamon ang kakayahan bilang aktres sa MMK

 

#MMK25

Interesante ang katauhang gagampanan ni Bela Padilla bilang si Melanie sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado (July 15, 2017) sa Kapamilya.

May kapansanan si Melanie. Kuba.

Pero sa kabila ng mga pinagdaraanan, nakatindig ng tuwid si Melanie sa kabila ng nakakukubang pagsubok na kinakaharap niya.

Hindi matingkalang panlalait at panghuhusga ang sa araw-araw na lang na humihinga siya ay sinasalubong ni Melanie.

Thankful si Bela sa papel na itinoka sa kanya sa MMK dahil pakiwari niya eh, malaking hamon ito sa kakayahan niya bilang aktres.

Sa darating naman na Pista ng Pelikulang Pilipino, si Bela ang leading lady ni JC Santos sa 100 Tula Para kay Stella.

Nakatutuwa ang isang gaya ni Bela na hindi lang sa kanyang pag-arte naka-focus. Dahil nga mahusay din siyang humabi ng mga istorya, patuloy itong nag-aaral at nagpapagabay sa mga gaya ni Ricky Lee sa mga workshop nito para lalo pa niyang mapagana ang kanyang malikot na isip.

HARDTALK – Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved