Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sikat na aktres, minaliit ang tulong na ibinigay ng kaibigan
Sikat na aktres, minaliit ang tulong na ibinigay ng kaibigan

Sikat na aktres, minaliit ang tulong na ibinigay ng kaibigan

 

MAY kakaibang ugali pala ang isang sikat na aktres sa taong kung tutuusi’y dapat niyang pasalamatan, pero nakukuha pa rin niyang sumbat-sumbatan.

Eksena ito na nasaksihan mismo ng mga tao sa set ng ginagawa niyang proyekto. Isa sa mga naroon ang nagtanong sa kanya, kumusta na raw ang plano nitong mangibang-bansa para magpagamot?

READ MORE:  Angel, pinaringgan ng dating manager?

Sagot ng aktres, hindi natuloy. Laking pagtataka ng nagtanong, napaano na raw ang tulong-pinansiyal ng isang matalik nitong kaibigan?

Bigla nag-iba ang timplada ng aktres. Nakasimangot nitong tugon, “Naku, nagpadala nga siya ng pera, kulang naman! Tutulong din lang, hindi pa nilubos-lubos!” sabay pakawala ng malulutong na mura patungkol sa kanyang kaibigan.

READ MORE:  Paul Salas, batang negosyante

Ang hindi ine-expect ng hitad, bigla na lang sumulpot sa set ang kaibigang paksa ng kanilang diskusyon. Labis na ikinagulat ‘yon ng aktres, sabay nagtititiling sinalubong ang surprise visitor.

READ MORE:  Gerald, manonood ng Majasty kung iimbitahan ni Maja

“Ay, Kuya (pangalan ng kaibigan niya), bakit ka napasugod dito? Naku, miss na miss na kita!” sabay yapos at halik nito sa dumating.

Da who ang aktres na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Cora Onofre.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved