Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea at Marian, may gap pa rin
Andrea at Marian, may gap pa rin

Andrea at Marian, may gap pa rin

 

INIINTRIGA pa rin ang pag-alis ni Andrea Torres sa Triple A management na kakuwadra niya si Marian Rivera. Ano ba ang nangyari? Hindi pa rin ba sila okey ni Marian? May malditahan bang nagaganap at pinagtatakpan lang? Hindi pa rin mamatay-matay ang tsikang may ‘gap’ na namamagitan sa dalawa.

True ba ang alingasngas na may harangang nangyayari at hindi puwedeng mag-guest si Andrea sa mga show na kinabibilangan ni Marian?

Pero kung may ‘harangan,’ di dapat na kasama si Andrea sa book 2 ng Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Balitang babalik na ang serye na roon nagsimula umano ang pagseselos ni ni Marian kay Andrea.

Hindi kaya lalong uminit ang tsismis na ito lalo’t magsasama ulit sina Dong at Andrea?

Pero ang napapabalitang leading lady ngayon ni Dong ay si Solenn Heussaff.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved