Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / AJ, nagpakita ng butt, nagtatakbo rin habang naka-brief
AJ, nagpakita ng butt, nagtatakbo rin habang naka-brief

AJ, nagpakita ng butt, nagtatakbo rin habang naka-brief

 

GOODBYE na si AJ Muhlach sa imaheng boy-next-door ngayong siya na ang “newest action star” ng Viva Films sa Double Barrel mula sa premyadong director na si Toto Natividad. Kapareha niya rito si Phoebe Walker na nagwaging Best Supporting Actress sa 2016 Metro Manila Film Festival para sa kanyang pagganap sa horror movie na Seklusyon.

Ibinuhos na lahat ni AJ sa Double Barrel. May eksena siya na nagpakita ng ‘butt’ sa love scene nila ni Phoebe. Plaster lang ang suot nila.

READ MORE:  Isabelle, ‘di kilala ng tao (Sa launching ng isang produkto)

Ayon kay Phoebe, gentleman si AJ at pinrotektahan siya para ‘di masilipan kesehodang ‘lumantad’ ang puwet ni AJ.

May eksena rin na tumatakbo si AJ na naka-brief lang sa ibabaw ng bubong. Magpipista talaga ang mga bading kay AJ, huh!

Si AJ ang gumanap bilang Jeff, isa sa mga drug pusher na nahuli ng mga pulis. Nang magmakaawa itong huwag patayin, ginawa siyang asset ng mga pulis para ituro ang mga drug lord at samahan sila sa pagpatay sa mga ito.

READ MORE:  Kathryn at Daniel, may sorpresa sa kanilang fans

Base sa totoong kuwento, ang pelikulang ito na puno ng umaatikabong bakbakan at habulan ng mga rumaragasang sasakyan.

Makikita sa Instagram post ni AJ noong nakaraang Marso na dumaan siya sa matinding fitness training. Ipinakita ng dating miyembro ng boy group na XLR8ang kanyang magandang pangangatawan na bagay sa karakter na kanyang ginagampanan. Bago dumating ang big break na ito, lumabas sa ilang sikat na pelikula si AJ, tulad ng Diary ng Panget, Talk Back and You’re Dead, Para sa Hopelesss Romantic, Chain Mail, at Felix Manalo.

READ MORE:  Pag-ibig ni Lovi kay Boyet sa “The Escort” may presyo, primera aktresa bigay na bigay kina Derek at Boyet

Nagkaroon rin siya noon ng teleserye na P.S. I Love You, at Bagets Just Got Lucky.

Mapapanood ang Double Barrel sa mga sinehan simula August 2, 2017.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved