Saturday , April 20 2024

New DDB chairman ret. Gen. Dionisio Santiago beterano sa bagong posisyon

ITINALAGA na nga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si retired military general Dionisio Santiago bilang bagong chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Pinalitan niya si Benjamin Reyes na mukhang nalito sa datos kung ilan talaga ang drug users/addicts sa Filipinas.

Si Santiago ay kabilang sa senatorial slate ni Pangulong Digong noong nakaraang eleksiyon na ang plataporma ay nakatuon sa kontra-ilegal na droga.

Dating Direktor Heneral ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si General Santiago. Ito ang panahon na malalaking laboratoryo ng shabu ang sinalakay ng PDEA sa buonga kapuluan.

Kung operasyon kontra ilegal na droga, walang kuwestiyon ang kahusayang ipinakita ni Gen. Santiago sa intelligence work.

Sa kanyang bagong trabaho ngayon bilang Chairman ng Dangerous Drug Board (DDB), masusubukan natin ang magiting na dating heneral ng Philippine Army sa pagbubuo ng mga programa at pagbubuo ng mga patakaran na magtatakda ng direksiyon sa mga usapin ng dangerous drugs, programa sa rehabilitasyon, mga pag-aaral at pagsasanay at iba pang programa o proyektong kaugnay nito.

Bukod sa mga nabanggit, si Santiago ay tinaguriang silent worker nang buuin niya ang Light Reaction Company (LRC), isang maliit pero hard-hitting and compact anti-terrorist unit. Ito ang panahon na sunod-sunod ang pambobomba sa Maynila at at kidnapping ng Abu Sayyaf.

Hindi man tuluyang naresolba ang kaso ng pambobomba at kidnapping ng mga terorista, masasabing dinurog ng LRC ang bag-as ng terorismo sa bansa.

Ayon kay Pangulong Digong, ang terorismo sa Mindanao ay pinopondohan ng malalaking sindikato ng ilegal na droga.

Sa kasalukuyan, isa si General Santiago sa malaki ang naitulong o naiambag sa layunin ng Pangulo na maging drug-free ang Filipinas.

Nagsilbi si Santiago bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Director-General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at director ng New Bilibid Prisons (NBP) noong administrasyong Arroyo.

By the way, ang alam natin, sa kasalukuyan ay kulang ng isang director ang Board Members ng DDB na magmumula sa pribadong sektor. Ito ‘yung directorship na nakatuon sa rehabilitation and therapeutic community.

Kung hihingin ni newly appointed Chairman Diony Santiago ang ating opinyon, mayroon tayong kakilala na 100% mahusay sa trabahong ‘yan.

For the meantime, congratulations Chairman and goodluck on your new endeavour!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *