Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Runway sa NAIA isinara (Para sa emergency repair work)
Runway sa NAIA isinara (Para sa emergency repair work)

Runway sa NAIA isinara (Para sa emergency repair work)

INIUTOS ng airport authorities nitong Huwebes ang pagpapasara sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) main runway upang bigyang daan ang emergency repair work sa napinsalang bahagi at para matiyak ang kaligtasan ng eroplano at mga pasahero.

Ang pagsasara ng NAIA 06/24 main international runway dakong 10:00 am ay nagresulta sa delay ng 12 international at tatlong domestic flights, habang ang parating na walong iba pang international flights patungong Manila ay pinalipat sa Clark International Airport sa Pampanga.

Tinukoy ang delayed international flights mula Manila na Eva Air BR-271 (Taipei); Thai Airways TG-620 (Bangkok); limang Philippine Airlines flights PR 112 (Los Angeles), PR 720 (London), PR 336 (Shanghai), PR 654 (Riyadh) at PR 682 (Dammam); tatlong Cathay Pacific Air flights CX 906/901/900 patungo at mula Hong Kong; at limang Cebu Pacific flights patungo at mula Dubai, Hong Kong, Davao at Cebu.

READ MORE:  9 mountaineers nawawala sa Aurora

Inilipat sa Clark ang Asiana OZ-701 (Incheon), Korean Airline KE-621 (Incheon), China Southern Airlines CZ-3091 (Canton), Gulf Air GF-154 (Bahrain), at tatlong Phi-lippine Airlines PR 214/437/467 flights mula Sydney, Nagoya at Incheon.

Nitong Huwebes ng umaga, inianunsiyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inilabas nilang “notice to airmen (NOTAM-B2395/17) closing runway 06/24 of the Ninoy Aquino International Airport due to an emergency pavement repair from 10:00 am to 1:00 pm today.”

READ MORE:  Maayos na implementasyon ng Candaba projects, pinuri ng DILG

Sa kanilang advisory, sinabi ng Aviation authority, ang secondary runway 13/31 ng paliparan ay ginagamit ngayon para sa domestic and international operations para sa flights ng aircraft katulad ng Airbus 320 o Boeing 737 at below type ng eroplano.

Nag-anunsiyo rin ang Cebu Pacific Air management na ang kanilang 5J – 015 (Dubai-Manila) flight ay ini-divert din sa Clark International Airport para mag-refuel habang patuloy ang pagkukumpuni ng NAIA runway.

Dagdag nito, lumapag ang kanilang eroplano dakong 12:55 pm.

Sinabi ni Ma. Consuelo Bungag, Manila International Airport Authority – Public Affairs Division chief, dalawang maliit na potholes, 30cms sa diameter, ang nadiskobre ng MIAA operations and engineering personnel sa isinagawa nilang  joint routine inspection dakong 6:00 am.

READ MORE:  SK polls gustong iurong ng Comelec sa 2016

”The domestic runway, however, will remain open for flight ope-rations. International flights using up to A320 series type of aircraft can land and take off from the domestic runway,” ayon kay Bungag.

Sinabi ng airport officials, inaasahan nilang marami pang flights ang maaapektohan ng pagsasara ng nasabing runway.

Humingi ng paumanhin ang MIAA management  sa apektadong airlines at mga pasahero, sinabing ang kaligtasan ng mga erop-lano at air travelers ay hindi dapat makompromiso at ito ang dapat na pangunahing prayoridad.

(GLORIA GALUNO)

COMMENTS

About Gloria Galuno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved