Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Child star na si Jana Agoncillo isa sa tampok sa MMK ngayong Sabado!
Child star na si Jana Agoncillo isa sa tampok sa MMK ngayong Sabado!

Child star na si Jana Agoncillo isa sa tampok sa MMK ngayong Sabado!

NAIIBANG kasaysayan ang matutunghayan sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado. Tunghayan ang kuwento ni Adelle, isang batang lumaking mulat sa kahalagahan ng pagsasabay-sabay ng pamilya sa hapag-kainan. Magpapaalala sa ito kung gaano kahalaga ang pagiging buo ng pamilya sa hapag-kainan.

Ang child star na si Jana Agoncillo ang gaganap na Adelle at makikita rito na dahil sa mga pagsubok na hinarap ng kanilang pamilya, kinailangang akuin ng magkakapatid na sina Lan, Angie, at Adelle ang mga pagsubok sa kanilang pamilya at ang mas malalaking responsibilidad.

Nang makahuntahan namin si Jana at ang kanyang Mommy Peachy, nabanggit ng Kapamilya child star na masaya siya sa taping ng MMK.

READ MORE:  Eric, pinaiyak si Kris

“Masaya naman po, happy naman kasi ako lagi kapag nagtratrabaho. Ako po rito si Adelle, ‘yung bale letter sender po at bale ‘yung life story niya po ang kuwento po rito,” wika ni Jana.

Ayon naman sa kanyang Mommy Peachy, “So, bale ikinukuwento po niya ang buhay ng pamilya niya rito. And sobrang natutuwa ang director at ang production ng MMK sa kanya, kasi nga si Jana magaang katrabaho at walang arte, ‘yun po ang mga naririnig kong feedback.”

Anyway, tampok sa MMK this Saturday sina Amy Austria as Rosa, Michael de Mesa as Manuel, Jana as Young Adelle, Louise Abuel as Young Lan, Rayver Cruz as Lan, Alexa Macanan as Young Ming, Dexie Daulat as Young Yang, CJ Navato as Niño, Andrei Garcia as Baby, Rolly Inocencio as Lolo Joe, Gigi Locsin as Lola Liza, at Faye Alhambra as Young Angie. Ito’y sa direksiyon ni Raz dela Torre at panulat ni Benson Logronio.

READ MORE:  Enchong, susubukin ang kakayahan sa pagganap bilang isang adik

Lumaki sa payak ngunit masayang pamilya ang magkakapatid na ang pagkain nang sabay-sabay ay laging pinahahalagahan sa kanilang tahanan. Ngunit nagbago ang kanilang pamilya nang ang kanilang ama (Michael) ay nagkaroon ng matinding karamdaman. Nagsakripisyo ang magkakapatid para sa kanilang pamilya, si Lan (Rayver) ang umako sa kahati ng responsibilidad. Inalagaan niya ang kanyang ama, mga kapatid, at nagtrabaho bilang helper para sa pamilya nila.

READ MORE:  May mania for privacy!

Ang isa pang kapatid niyang si Angie ay inampon ng tiyahin nila upang makapag-aral pa rin. Nagtulong-tulong at nagsakripisyo silang lahat para makaraos ang kanilang pamilya. Ngunit patuloy pa rin ang pagdating ng mga dagok at pagsubok sa kanilang buhay.

Paano hinarap ng magkakapatid na sina Lan, Angie, at Adelle ang mga pagsubok sa kanilang pamilya?

Tunghayan ang kuwento sa #MMKPaMEALya ngayong Sabado, 8:30 PM, pagkatapos ng The Voice Teens.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved