Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P134-M illegal drugs sinira ng PDEA

P134-M illegal drugs sinira ng PDEA

 WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P134 milyon halaga ng shabu at marijuana sa thermal decomposition sa Clean Leaf International Corp. sa Brgy. Maysilo, Malabon City. Sinaksihan ito nina RTC Branch 98 Judge Marilou Runez Tamang, PDEA Director General Isidro Lapeña, at mga kinatawan ng DoJ, DDB, PAO at NGO.  (ALEX MENDOZA)

SINIRA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Martes ang P134 milyon halaga ng ilegal na droga na nakompiska sa mga serye ng operasyon.

READ MORE:  6 tourism student ng BSU nalunod, 1 missing
READ MORE:  13-anyos nene hinalay ni tatay

Gumamit ang PDEA ng thermal decomposition para sirain ang 44 kilo ng marijuana at shabu, sinunog ang mga ito sa loob ng dalawang chamber hanggang maging abo.

READ MORE:  Erap hiniling kastigohin ni Digong (Sa bentahan ng Rizal Memorial Sports Complex)

Ayon kay PDEA Director General Isidro Lapeña, nakom-piska ang droga mula sa apat drug suspect na inaresto sa Brgy. Manresa, Quezon City nitong Nobyembre 2016.

Nai-turn over na aniya ang mga ito sa korte at hindi na kailangan bilang ebidensiya.

Dagdag ni Lapeña, sinira nila ang mga naturang shabu at marijuana upang hindi isipin ng publiko na inire-recycle ang mga nasasabat na droga at inilalako muli sa merkado.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 
Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved