Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / TV5, na-shock sa ka-cheap-an umano nina Erwin Tulfo, Ben Tulfo at Ed Lingao!
TV5, na-shock sa ka-cheap-an umano nina Erwin Tulfo,  Ben Tulfo at Ed Lingao!

TV5, na-shock sa ka-cheap-an umano nina Erwin Tulfo, Ben Tulfo at Ed Lingao!

HUMINGI ng profuse apology ang TV5 management sa nangyaring cheap na labanan sa pagitan nina Erwin Tulfo, Ben Tulfo at Ed Lingao at gagawa raw ng disciplinary action ang management.

Nagsimula ang bad blood sa pagitan ng Tulfo brothers at ni Ed when the latter posted a kilometric commentary sa ginawang pagbatikos ni Erwin sa kanyang radio program sa Radyo Singko na Punto Asintado kay Senator Risa Hontiveros.

Sinagot ito ni Ed nang mag-post sa Facebook ng isang mahabang komentaryo tungkol sa ginawang pagbatikos ni Erwin sa kanyang programa sa Radyo Singko na Punto Asintado kay Senator Risa Hontiveros.

Binanatan ni Erwin ang mga naging sentiments ni Sen. Hontiveros sa naging panayam sa UNTV tungkol sa Maute group invasion sa Marawi.

Mali umano ang balitang nakarating kay Erwin dahil ‘fake news’ umano ang basehan ng kanyang pagbabatikos laban sa senadora.

Dahil hindi na-feel ni Erwin ang post ni Ed, binanatan niya sa Facebook live.

Anyway, nakisali rin sa laban ang utol ni Erwin na si Ben na sinagot naman ng Aksyon Prime anchor.

Last Friday, June 30, nagpahayag na ang TV5 tungkol sa away ng tatlo.

Naglabas ng statement ang Kapatid Network to the effect na the word war between the three radio and TV journalist, is “not only hurtful to the parties directly concerned but also goes against the work and journalistic ethic that News5 strives to uphold.”

BIANCA AT MIGUEL WALANG
MAKATATALO SA PAGPAPAKILIG

It cannot be denied: Iba talaga ang chemistry nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix aka BiGuel.

Last Sunday kasi sa Daig Kayo Ng Lola Ko, isang nakaa-amaze na love story sa pagitan ng isang ballerina doll at toy soldier ang binuhay ng dalawa na pinatunayang sila talaga ang destined for each other despite all odds. Bukod sa trending ito, pak na pak din ang TV ratings na nakamit nito. Told you, iba talaga ang chemistry ng Kapuso love team na ito. Tanong nga namin sa kanila minsan e, are you guys for real or reel lang talaga?

JESSA ZARAGOSA,
NAAPEKTOHAN BA
SA RIVAL PROGRAM
NG PEPITO MANALOTO?

Diretsahang sinagot ng Pepito Manaloto star na si Jessa Zaragosa ang tanong namin kung naaapektohan ba sila sa kompetisyong nagagaganap sa kanila ng katapat nitong programa na Home, Sweetie, Home ng ABS-CBN.

Isang proud na “No not at all” ang sinabi nito dahil according to her, natutuwa siya sa healthy competition na meron sa kanila.

In fact, good thing raw for her ang may competition. Pero dagdag ng tinaguriang Phenomenal Diva, “Basta secure, secure kami sa position namin” because for them, ang pagpapasaya ng tao ang kanilang main goal.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes be- yond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

COMMENTS

About Pete Ampoloquio Jr.

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved