Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Suspek sa masaker umiskor ng ‘konting’ shabu — PNP
Suspek sa masaker umiskor ng ‘konting’ shabu — PNP

Suspek sa masaker umiskor ng ‘konting’ shabu — PNP

IPINALIWANAG ng Philippine National Police (PNP) chief kahapon, ang mga dahilan kung bakit lumabas na negatibo sa drug test ang suspek sa pagmasaker ng isang pamilya sa Bulacan, bagama’t aminadong la-ngo siya sa droga nang isagawa ang krimen.

Ang drug test sa construction worker na si Carmelino Ibañez, 26, ay maaaring maging negatibo dahil posibleng low-grade variant o kaunti lamang ang shabu na ginamit, ayon kay PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

“Posible na iyong drugs na ini-take niya is mahina ang quality o mababa ang quantity,” pahayag ni Dela Rosa.

READ MORE:  NFA chief ‘delikadong’ masibak (4-M sako ng bigas ibenenta)

Dagdag niya, ang suspek ay maaaring isinailalim sa drug test makalipas ang 48 oras makaraan ang krimen. Ang urinalysis ay maaari lamang maka-detect ng drugs sa katawan hanggang 48-oras makaraan itong gamitin.

Nauna rito, inamin ni Ibañez na siya ay lasing at lango sa droga nang patayin si Estrella Dizon Carlos, inang si Aurora Dizon, at tatlong mga anak na sina Donnie, 11; Ella, 7, at Dexter, Jr., isang taon gulang.

READ MORE:  P5-M natupok sa Quiapo warehouse

Inamin din ng 26-anyos suspek na ginahasa niya kapwa sina Estrella at Aurosa.

Ngunit kalaunan ay itinanggi niya ito sa extrajudicial confession.

Ayon kay Dela Rosa, ang naunang pag-amin ni Ibañez hinggil sa rape at pagpatay ay mas mabi-gat, kompara sa pagiging negatibo niya sa drug test.

“Mas mabigat iyong sinabi niya talaga, iyong galing sa kanyang bibig na hindi siya under duress, inamin talaga niya,” aniya.

READ MORE:  ISIS nasa PH na — Duterte

Tiniyak ni Dela Rosa na maghahanap pa ang mga awtoridad ng karagdagang mga ebidensiya laban sa suspek at sa kanyang mga kasabwat na sina alyas Tony at Inggo, na kapwa nakalalaya pa.

“Assurance ko sa inyo talaga, ginagawa namin ang lahat para mabigyan ng justice ang pamilya,” aniya.

Sinabi ni Dela Rosa, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay naging emosyonal sa kaso.

“Nagpa-follow-up siya ‘pag mga sensational crime… Hindi iyan nakakatulog dahil nanggigigil siya,” aniya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved